Celebrity Life

Joyce Ching shares prayer for comfort during enhanced community quarantine

By Maine Aquino

Nag-upload muli ng isang inspirational video si Joyce Ching at ang kanyang asawa na si Kevin Alimon sa gitna ng health crisis na dala ng COVID-19.

Kuwento ni Joyce, nagdesisyon siya na gawin nila itong video dahil nakikita niya ang pinagdadaanan ng lahat dulot ng pandemic.

"Naisip namin na we will pray for comfort. Kasi nga nakikita namin nagkakagulo eh."

Dagdag pa ni Joyce, ito ay makakatulong para mapagaan ang kalooban ng bawat isa lalo na't nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

"Hindi talaga comforting 'yung nangyayari ngayon, 'yung situation natin ngayon sa Pilipinas. So we want to pray for comfort."

Ayon pa kay Joyce, matatapos rin ang lahat ng ito.

"It's day 3! Let's continue to pray. Sending virtual hugs to all of you. Matatapos din ito!"


How celebrities spend their Metro Manila lockdown