Celebrity Life

Oscar Oida, nag-Zoom party kasama ang kapwa Kapuso reporters

By Aedrianne Acar

Bagama't naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon, hindi napigilan ang Kapuso news reporters na ipagdiwang ang kaarawan ng kasamahan nilang si Oscar Oida.

Oscar Oida

Ipinasilip ng award-winning news anchor at documentarist na si Kara David sa Instagram ang ginawa nilang teleconference kasama ang kapwa Kapuso reporters via video conferencing app na Zoom.

Kara David, hindi muna nayakap ang asawa nang sunduin sa airport

Ani Kara, "Zoom party with kapuso reporters. Celebrating our friend Oscar Oida's 45th birthday.

"Hindi coordinated ang pagkanta ng happy birthday at wala sa tono 😂😂😂 virtual bday cakes and candles. Love you guys! Stay safe always."

Bukod kay Kara, bumati rin ang mag-asawang sina Raffy Tima at Mariz Umali. Pati na rin sina Nelson Canlas, Aubrey Carampel, JP Soriano, Tina Panganiban-Perez, Dano Tingcungco, at newlyweds na sina Cedric Castillo at Rida Reyes.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Oscar sa mga katrabaho niya sa GMA News at Public Affairs.

Nasopresa raw siya ng husto sa ginawa nila at kasabwat pa ang kanyang asawa na si TV5 reporter MJ Marfori-Oida.

Ikinasal sila Oscar at MJ taong 2016.

"Grabe! Nasorpresa niyo ako ng husto sa ibinigay niyong bonggang tele-bday conference party!!! Hindi man sabay-sabay ang inyong pagkanta nadama ko naman ng husto ang inyong pagmamahal.

"Kaya pala si Mrs Mj Marfori Oida kagabi umeemote emote pa, kunwari may tampo hehehe yun pala [pasasayahin] ako ng bongga! Sana matapos na itong Covid 19 season na ito nang makapag celebrate tayo ng totoong birthday party."

Sinabi rin ni Oscar na wish niya sa kanyang birthday na maging safe ang lahat at sana ay mawala na conronavirus disease 2019 (COVID-19).

" Ang bday wish ko sana maging healthy and safe tayong lahat at matunaw na sa kawalan si Covid 19 sa lalong madaling panahon!!! Thank you Kara Patria Constantino David, Nelson Canlas, Jose Miguel CM, Aubrey Carampel Aricheta, Michael Errol Aricheta, Amby, Amanda, Jp Soriano, Rida Reyes, Cedric Castillo, Tina Perez, Bong, Raffy Tima, Mariz Umali, Dano Tingcungco salamat...salamat...SALAMAT!!!"

MORE ON THE CORONAVIRUS UPDATE:

Senator Koko Pimentel tested positive for COVID-19

Clothing brand creates PPEs for Filipino COVID-19 frontliners

IN PHOTOS: How celebrities stay productive during the enhanced community quarantine

Coronavirus Watch: List of fake health advice about COVID-19