Celebrity Life

Kara David, hindi muna nayakap ang asawa nang sunduin sa airport

By Aedrianne Acar

Labis man ang tuwa, may konting kirot sa puso ng award-winning Kapuso news anchor at documentarist na si Kara David nang sunduin niya ang asawa niyang si LM Cancio sa airport.

LOOK: More photos from the dream wedding of Kara David

Sa mga post ni Kara sa Instagram, ibinahagi niya ang ginawa nilang pag-iingat at pagtalima sa utos ng mga awtoridad na mag-social distancing.

Saad pa nito, kailangan nila itong gawin ni LM dahil galing ang kanyang mister sa isang cruise ship kung saan ito nagta-trabaho.

Inahalintulad pa ni Kara ang kanilang sitwasyon sa eksena sa hit K-drama series na Crash Landing On You ang kanilang pagkikita.

K-drama 'Crash Landing on You' crushes 'Goblin' with episode finale

"Capt Ri at Yoon-Seri lang ang peg, may linya talaga sa gitna hahaha.

"Husband just came back from a 7-month contract with a cruise ship.

"I always pick him up at the airport. But today, we will drive separate cars and go home to 2 separate houses. Social distancing. No hugs nor kisses."

Pansamantala raw muna magse-self quarantine ng 14 days ang kanyang mister sa bahay nila sa Cainta, Rizal.

"He's baaaaack!!! Pero no touch, no contact whatsoever. Extended ang aming LDR as LM goes on isolation for 14 days in our house in Cainta. Welcome home my love"

Ikinasal si Kara at LM sa Guagua, Pampanga noong January 6, 2018.