Celebrity Life

Jo Berry, may mensahe para sa mga estudyante

By Marah Ruiz

Mainit na usapin ngayon ang pagsisimula ng klase habang wala pang gamot o bakuna para sa COVID-19.

Pangamba ng marami na tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa pagsisimula ng klase. Iniisip naman ng iba na made-delay ang pag-aaral ng ilang mga estudyante.

Para pagaaanin ang pakiramdam ng mga mag-aaral na nangangamaba, nagbahagi si Kapuso actress Jo Berry ng ilang litrato niya bilang estudyante.

"#throwbackthursday 2014 me I miss school! Sa mga estudyante dyan, kapit lang ha! Makakapasok din ulit kayo sa school ," sulat niya sa Instagram kalakip ang ilang pictures niya na naka uniform.

Matatandaang kumuha ng kursong Computer Science si Jo sa kolehiyo noon.


Itinakda ng Department of Education (DepEd) ang pasisimula ng klase para sa school year 2020-2021 ng grade school at high school sa August 24.

"Rolling" school opening naman ang pinag-iisipan ng Commission on Higher Education (CHEd) para sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ibig sabihin nito, maaaring magsimula ang klase sa August o mas late pa depende sa kakayanan ng eskuwelahan na magbigay ng "flexible learning system" na magsisiguradong ligtas mula sa COVID-19 ang mga estudyante.