Celebrity Life

Rhea Santos vlogs 41st birthday celebration in Canada

By Dianara Alegre

Ipinagdiwang ni dating Kapuso broadcast journalist na si Rhea Santos ang kanyang 41st birthday sa Canada, nitong June 1.

Ito ang unang kaarawan ni Rhea sa naturang bansa at ipinakita niya sa kanyang followers ang mga highlights ng espesyal na araw niya sa pamamagitan ng isang vlog.

Sinimulan ni Rhea ang vlog sa pagsasabing dadalo siya sa aktuwal na misa matapos ang ilang buwan dahil nga sa mga restriction sa mga pagpupulong bunsod ng COVID-19 pandemic.

“This is the first time that we're going to attend a mass in church after hearing online masses because of the pandemic for the past two months, actually more than two months.

“It's a special day for 'cause the whole family is going to attend mass in church today [May 31], a day before my birthday,” aniya.

WATCH: Rhea Santos shows the real deal about moving to another country

Maraming ipinagpapasalamat si Rhea ngunit ang isa sa mga nangunguna rito ay ang maayos na kalusugan ng kanyang pamilya.

“Just grateful for waking up, for being alive, and for the good health of my family.”

Ibinahagi rin ni Rhea na magkakaroon sila ng picnic para ipagdiwang ang kanyang “quiet birthday celebration.”

WATCH: Rhea Santos shares first Christmas in Vancouver, Canada

LOOK: Rhea Santos officially starts school in Canada

Panoorin ang naging preparasyon ni Rhea at ng kanyang pamilya para sa kanyang 41st birthday: