Celebrity Life

Mikee Quintos, aminadong nakakaramdam din ng inggit

By Marah Ruiz

Aminado si Kapuso actress Mikee Quintos na nakakaramdam din siya ng inggit kung minsan.

Isa raw ito sa mga bagay na na-realize niya ngayong quarantine na ikinuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"It's not all beauty, glam. It's not all good stuff. Ang daming nagsasabi sa akin na ang saya daw ng buhay ko. Ang saya daw na nagagawa ko 'to, nagagawa ko 'yan. Pero may mga things din na nakaka-inggit sa buhay ng iba," pahayag ni Mikee.

Ganito raw siyang mag-isip bago niya natanggap na may mga mas magandang bagay na sadyang hindi para sa kanya.

"'Yun 'yung na-realize ko. Make the most of what you have kaysa sayangin mo 'yung oras mo na naiinggit ka sa kung anong mayroon sa iba. The grass will always be greener on the other side," aniya.

Pinakawalan daw niya ang inggit dahil gusto niyang maging mabuting impluwensiya sa iba.

"Nakakahawa 'yung inggit eh. Na-realize ko personally na kung ganito ako mag-isip, paano 'yung mga nag-iidolo sa akin? Baka ma-influence ko sila nang hindi ko sinasadya," paliwag niya.

"Taking care of myself is somehow taking care of them din," dagdag pa ni Mikee.

Alamin ang iba pang saloobin ni Mikee tungkol sa inggit sa eksklusibong video na ito.


Kamakailan, ibinahagi ni Mikee na magkakaroon ng bagong direksiyon ang kayang vlog.

Mas magiging inspirational na daw ang mga videos na ibabahagi niya dito.