advertisement
Celebrity Life

LOOK: Celebs at kanilang car accident o traffic collision experience

1 of 32

AJ Perez

Taong 2011 nang magulat ang publiko nang bawian ng buhay si AJ Perez dahil sa isang car accident na nangyari sa Tarlac City.

2 of 32

Angelu de Leon

Papunta sa taping ng 'Niño' si Angelu de Leon noong 2014 nang mabangga sila ng isang truck. Kasama niya ang anak na si Rafa sa insidente at hindi sila nasaktan.

3 of 32

Alden Richards

Noong nakaraang taon lamang nang masangkot si Pambansang Bae Alden Richards sa isang minor car accident. Agad naman siya nagbigay ng updates sa kanyang fans na mabuti na ang kanyang lagay.

advertisement
4 of 32

Mark Herras

Kaunting sugat lamang ang natamo ni Mark Herras sa isang car accident na nangyari noong 2016 sa Katipunan Avenue, Quezon City.

5 of 32

Kris Aquino

Taong 2015 nang mabalitang isinugod sina Kris Aquino at anak na si Bimby sa emergency room matapos ang isang car accident.

6 of 32

Richard Gutierrez

Taong 2009 nang masangkot sa aksidente ang former Kapuso actor na si Richard Gutierrez sa Silang, Cavite. Kasama ng aktor ang kanyang assistant na sa kasawiang palad ay binawian ng buhay. Si Richard at ang kanyang driver ay parehong nagtamo ng minor injuries.

advertisement
7 of 32

Angie Mead King  

Nasangkot sa isang aksidente sa Italy ang car enthusiast at businesswoman na si Angie Mead King, ang asawa ng model at host na si Joey Mead. Nangyari ang aksidente habang kalahoksiya sa Finali Mondiali, isang car race ng luxury car brand na Ferrari na ginanap sa Monza, Italy.

8 of 32

Yasmien Kurdi

Ikinagulat ng mga fans ng 'StarStruck' graduate na si Yasmien Kurdi ang balita last September 26 na nabangga ang kaniyang sasakyan sa Cainta. Ayon sa Instagram Stories ni Yasmien, ang kotse na gamit niya ay sa kaniyang asawa na si Rey Soldevilla Jr. Sa kabutihang palad ay walang masamang nangyari sa celebrity mom.

9 of 32

Chie Filomeno

Maayos na ang lagay ng GirlTrends member na si Chie Filomeno matapos maaksidente habang nagpa-praktis sa Clark International Speedway sa Pampanga para sa Vios Cup. Ikinuwento ni Chie sa Instagram kung anong nangyari habang sakay siya ng kaniyang race car. Saad niya, “All smiles even after my car accident on the race track, my car flipped 4x (I think) was in the air for good 10 seconds hehe! I'm just really grateful for the people around me the moment that happened, thank you so much for being there for me and for letting me do a few laps to shake off what happened. Came out stronger than ever because of you guys! ♥️ I thank God for keeping me safe and everyone around me!"

advertisement
10 of 32

Donita Nose

Thankful ang former 'Wowowin' host na si Donita Nose na nasa maayos siyang lagay matapos masangkot ang minamaneho niyang kotse sa isang aksidente. Kuwento ng comedienne sa Facebook nito last August 19, mabuti na lamang at hindi sa isang malaking poste tumama ang kaniyang sasakyan. Aniya, “Sa tagal tagal ko na nagda-drive ngayun lang ako nakaranas ng wrecker.. Salamat sa Diyos sa gutter lang kami sumampa at 'di na tumama sa posteng malaki, kaloka kasi 'yung isang sasakyan ginitgit kami. Kawawa naman si Daniel ko. kaya mag ingat po sa pag drive.”

11 of 32

Daniel Matsunaga

Naiwang sugatan ang isang lalaki matapos itong masagi ng sasakyan ng aktor na si Daniel Matsunaga noonng August 18 sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City. Ayon sa balita, malakas ang tugtog sa loob ng sasakyan ni Daniel kung kaya't hindi nito napansin na mayroon itong nasagaing motorista. Kinailangan pa itong habulin ng mga traffic enforcers.

12 of 32

Manny Pacquiao

Habang nasa Amerika si Manny Pacquiao noong 2011 ay nasangkot siya sa isang minor accident ilang oras bago ang laban niya sa kapwa boksingero na si Shane Mosley.

advertisement
13 of 32

Vandolph

Taong 2001 nang mabangga ang sasakyan ni Vandolph sa Pangasinan at nagtamo ng major injuries. Kasama niya ang kanyang girlfriend noon na si Desiree Raquiza na binawian ng buhay dahil sa aksidente.

14 of 32

Anne Curtis

Bugbog at galos ang natamo ni Anne Curtis matapos mabangga ang kanyang sasakyan sa Quezon City noong 2009.

15 of 32

Halina Perez

Dead on arrival ang sexy actress na si Halina Perez matapos masangkot sa aksidente ang kanyang sasakyan sa Camarines Sur noong 2004.

advertisement
16 of 32

Melody Gersbach

Binawian ng buhay ang beauty queen na si Melody Gersbach matapos mabangga ng bus ang kanyang sinasakyan. Nangyari ang aksidente sa Bicol noong 2010.

17 of 32

 Alyssa Alano

Mismong si Alyssa Alano ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan nang bumangga ito sa isang highway island sa Marikina City. Nagtamo ng major injuries ang aktres dulot ng aksidente noong 2012.

18 of 32

Ken Chan

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ni Ken Chan na nasangkot siya sa isang car accident sa EDSA noon habang siya mismo ang nagmamaneho. Matapos ang aksidente ay agad na nag-hire ang aktor ng driver.

advertisement
19 of 32

Kim Chiu

Taong 2014 nang mabangga ang sinasakyan ni Kim Chiu sa Quezon City. Minor injuries lamang ang natamo ng aktres kabilang na ang pagdudugo ng kanyang ilong.

20 of 32

Jake Vargas

Taong 2013, inakala raw ni Jake Vargas na katapusan na ng kanyang buhay nang masangkot siya sa isang car accident kasama ang kanyang pamilya sa Bataan. Mabuti na lamang daw ay naiwasan ng kanyang driver ang bangin kaya't nakaligtas sila.

21 of 32

Angelica Panganiban

Taong 2014, isang minor car accident naman ang kinasangkutan ni Angelica Panganiban matapos bumangga ang kanyang sasakyan sa isang taxi sa EDSA.

advertisement
22 of 32

Joyce Jimenez

Minor bruises lamang ang natamo ni Joyce Jimenez at ang kanyang mga kasama nang mabangga ang kanilang sinasakyan sa Pangasinan noong 2008.

23 of 32

Aljur Abrenica

Halos isang buwan pa lamang ang luxury car ni Aljur Abrenica na Dodge Challenger nang mabangga ito sa Quezon City. Walang natamong sugat ang aktor sa nasabing aksidente na nangyari noong 2013.

24 of 32

Eddie Gutierrez

Himalang nakaligtas ang beteranong aktor na si Eddie Gutierrez matapos siyang masangkot sa isang major car accident noong 1970s.

advertisement
25 of 32

Lino Brocka

Taong 1991 nang bawian ng buhay ang kilalang direktor na si Lino Brocka matapos bumangga ang kanyang sasakyan sa isang poste sa Quezon City.

26 of 32

Jolina Magdangal

Nasa maayos na ang lagay ng pamilya ni Jolina Magdangal matapos maaksidente ang kanilang sasakyan last July 9, 2017 habang papunta sila sa airport para sa flight nila patungong Hong Kong.

27 of 32

Philippine Heart Center

Ayon sa kuwento ng asawa ni Jolina na si Mark Escueta sa Facebook, nabangga ang likurang bahagi ng kanilang sasakyan habang nasa traffic light sila malapit sa Philippine Heart Center. Kasama nila ang kanilang anak na si Pele na hindi naman nasaktan.

advertisement
28 of 32

Cris Bolado

Former PBA big man Cris Bolado reportedly died in a motorcycle accident in Cambodia. The 6'7 basketball superstar owns a chicken inasal restaurant in Phonm Pehn. Cris starred in a movie with Michael V titled 'Anting-Anting' and 'The Figthing Chefs' with Ronnie Rickets.

29 of 32

Ruffa Gutierrez

Celebrity mom Ruffa Gutierrez expressed her anger via Instagram stories last December 14 over a bus that crashed the back portion of the van she was riding. According to the former beauty queen, the incident happened while they were traversing Edsa corner Ayala.

30 of 32

Raymond Gutierrez

May paalala ang TV host-influencer na si Raymond Gutierrez sa lahat na huwag kalimutan mag-suot ng seatbelt, matapos niya ibahagi na nabangga ang sinasakyang Uber sa Los Angeles noong Oktubre 2021.

advertisement
31 of 32

Pokwang and K

Maraming ang nag-alala nang makita ang tweet ni K Brosas na nabangga ang sinasakyan nilang pickup truck. Ayon sa comedienne-singer may maliit lamang siyang sugat matapos ang insidente, “So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises. naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.”