Celebrity Life

Mikee Quintos, nag-alalang walang balikang career kapag nagpatuloy ng pag-aaral

By Marah Ruiz

Nagpagsasabay ni Kapuso actress Mikee Quintos ang pag-aaral at pag-aartista.

Kasalukuyang naka-enrol bilang isang architecture major si Mikee sa University of Santo Tomas (UST).

Pero sa isang interview niya noon kasama ang kaibigan at kapwa Kapuso star na si Andre Paras, naibahagi ni Mikee na minsan na niyang pinag-isipan pumili sa pagitan ng acting at pag-aaral.

Salamat sa payo ng kanyang kapatid, nagpag-desisyunan ni Mikee na parehong ituloy ang pag-aartista at pag-aaral.

"Sinabi ng ate ko sakin, basically 'yung advice niya was if you're saying na your heart is really in acting, kahit ibigay mo 'yung best mo sa pag-aaral mo ng [architecture] now, babalik at babalik 'yung work," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Inaalala daw ni Mikee noon na baka wala na siyang babalikang trabaho sa showbiz kung magko-concentrate siya sa pag-aaral.

"Kasi 'yung wino-worry ko noong time na 'yun was paano kung mag-break ako sa showbizang long enough na baka wala na 'kong balikang career. May mga ganoong akong fear," paliwanag niya.

"Sabi niya kahit gaano katagal 'yung break mo, kung para sa iyo 'yan, babalik at babalik ka. Somehow 'yung naging dating noon sa akin was baka I wasn't trusting myself enough or trusting God enough. He has plans for me. I can't really control what really happens in my life sometimes," dagdag pa ni Mikee.

Alamin ang iba pang kuro-kuro ni Mikee tungkol sa kanyang showbiz career sa eksklusibong video sa itaas.

Samantala, abala naman si Mikee sa paggawa ng mga bagong video para sa kanyang YouTube vlog.

Kamakailan, natanggap na niya ang kanyang Silver Play Button na nangangahulugang umbot na ng 100,000 ang kanyang subscribers.