Celebrity Life

Lolit Solis, palagay na magiging successful si Marian Rivera kahit wala sa showbiz

By Cherry Sun

Pansin ni Lolit Solis ang tunay na kaligayahan ni Marian Rivera kahit natigil ang karamihan ng trabaho nito bilang isang artista. Palagay ng veteran talk show host at talent manager, magtatagumpay pa rin ang Kapuso actress kahit wala sa showbiz.

Simula nang quarantine ay namalagi sa kanilang tahanan si Marian at sinulit ang panahon upang maka-bonding ang kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy at pati na rin ang mister na si Dingdong Dantes.

Maliban sa kanyang pamilya, pinagtuunan din ni Marian ang kanyang negosyo at ibang hilig. Kaya naman, pansin ni Lolit ang husay ng aktres sa pagdadala ng sitwasyon.

Komento niya, “Parang si Marian Rivera maligaya na ang trabaho niya na hindi konektado sa showbiz, like iyong flowershop at ngayon naman mga vase na gawa sa mga puno ng mangga na pinutol at ginamit ang mga kahoy Salve. Very artistic at very creative kasi si Marian kaya lahat ng makita may idea siyang nabubuo. Marami ang talagang humanga sa kanyang Flora Vida dried flower collections. Ibang iba sa mga naglabasan competition nito.

“Si Marian Rivera ang kahit siguro wala sa showbiz puwede mabuhay kasi nga may talento sa paggawa ng mga bagay bagay na nagugustuhan ng tao. Kaya hindi mo narinig na nag complain sa matagal na quarantine, kasi aside from nai enjoy niyang mabuti ang pag aalaga sa dalawang anak, si Zia at Ziggy, hayun mga bulaklak at kahoy naman ang hinaharap. Bongga.”

Gayunpaman, balik-trabaho na ulit si Marian at mapapanood na siyang muli sa fresh episodes ng Tadhana simula September 12.