Celebrity Life

Aiai Delas Alas hanga sa isang female delivery rider

By Bianca Geli

Lubos ang pag hanga ni Kapuso Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa naghatid ng kaniyang food delivery. Laking gulat daw ni Aiai nang babae pala ang delivery rider o tagapaghatid ng gamit.

Aiai wrote, "Gusto ko munang i-congratulate si Ate (Jennifer name nya ).

She continued, "Nagulat ako, nag order asawa ko ng food, nagring ang phone boses babae (so akala ni Gerald naka angkas sa asawa) 'yun pala sya mismo ang delivery driver...lumabas talaga ko sa bahay kahit malakas ang ulan. gusto kong makita ang isang babaeng masipag, matyaga, lakas ng loob...ito ang mas na touch ako."

Ibinahagi rin ni Aiai ang naging pag-uusap nila ng babaeng delivery rider na may balak palang mag-aral ng Master's Degree.

"AiAi: Ate congrats ang sipag mo naman.
Jennifer : Hello, Ma'am (medyo excited sya nakita niya ko) Ma'am mag-mamasters kasi ako nag ipon ako tuition
AIAI: Congrats Ate ang GALING MO IBA KA!! Napakadami pa din ang mga babaeng madiskarte.

Mabuhay ka, Jennifer... sana ay madami pang katulad mo para sa pangarap nila sa buhay...GOD BLESS YOU MORE and MORE #jennythegreat #jennythelalamovedriver #girlpower #kahitmalakasulanlaban."


Bukod sa pagiging isa sa judges ng upcoming The Clash Season 3, abala rin si Aiai sa kaniyang online business, kaya naman ganun na lamang ang paghanga niya sa babae na kasing sipag niya.

Related content:
AiAi Delas Alas signs contract with GMA Artist Center