Celebrity Life

Elijah Canlas reveals the things he likes about Kokoy de Santos

By Aaron Brennt Eusebio

Tapos na ang season 1 ng online boys love (BL) series na Gameboys pero tuloy pa rin ang pagpapakilig nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa kanilang mga fans.

Sa isang exclusive video sa GMANetwork.com, naglaro sina Elijah at Kokoy ng 'I Like You meter' challenge kung saan nagparamihan sila ng dahilan kung bakit nila 'like' ang isa't isa.

Sa unang bahagi ng video, naging sina Cairo at Gavreel muna sina Elijah at Kokoy, ang mga karakter nila sa Gameboys na nagbibigay ng kilig sa mga manonood.

Sa huling bahagi, hindi na sila in character at sinabi kung bakit nila 'like' ang isa't isa bilang Elijah at Kokoy.

Bakit nga ba?

Balikan ang nakakatuwa at nakakakilig na Kapuso Web Specials nina Elijah at Kokoy sa video sa itaas.

Nagbigay kilig ang tambalang 'EliKoy' nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ngayong quarantine dahil sa pinagbidahan nilang online boys love (BL) series na Gameboys. / Source: theideafirstcompany(IG)

ALSO READ:

Kokoy de Santos, napa-"baby" nang personal na makita si Elijah Canlas sa set ng 'Gameboys'

Kokoy de Santos at Elijah Canlas, tinanggap ang 'Gameboys' dahil sa isa't isa