Showbiz News

Wendell Ramos, balik-drama ngayong Pasko

Isang kakaibang Wendell ang makikita ng mga manonood sa ‘Jillian: Namamasko Po!’, at excited siyang magkuwento tungkol sa kanyang experience dito. Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. Isang kaabang-abang na Krismaserye ang inihahandog ng GMA ngayon, ang Jillian: Namamasko Po!, na siyang magpapaalala sa mga manonood ng tunay na diwa ng pasko. Dito ay makakasama ng mga batikang aktor at aktres na sina Wendell Ramos at Claudine Barretto ang child wonder ng GMA na gumanap recently sa iconic role na Trudis Liit, si Jillian Ward. Noong press con ng Jillian: Namamasko Po! ay excited na nagkuwento si Wendell tungkol kay Jillian. Kamusta nga ba ang kanyang experience working with Jillian? “Iba!” declared Wendell. “Natatawa nga kami sa kanya kasi halos lahat kami, even 3 in the morning, parang 8 lang ng umaga sa kanya. So masayang katrabaho yung bata.” Samantala, hindi naman ito ang first time na nagkatrabaho sila ng kanyang onscreen wife na si Claudine. Kamusta naman ang experience na ito for him? “Second time na ‘to [working with Claudine], kasi yung first time namin, yung show niya noon, yung Claudine special.Yun yung first time namin nun, yung dinirect ni Sir Joel Lamangan. Eto yung second time namin, and yung pinakamabigat so far,” he said. Mabigat bang katrabaho ang premyadong aktres, or does he get along well with her? “Mabigat in a way na sobrang professional siya. Pero yung pakikipag-relasyon ko sa kanya as a co-actor, parang magaan. At saka naiintindihan ka niya,” paglalahad niya. “Madalas kasi minsan, pagka sa sobrang bigat ng eksena, nandun kami sa set, naka-iPod lang ako ng konti habang nagbibigay ng instructions si Direk Mark [Reyes], dahil para lang sa emotions. Siya rin, ganun, nagpapasaksak ng mga CD. So cool siyang katrabaho, wala siyang rules and regulations.” Samantala, kakaiba naman daw ang TV show na ito sa kanyang ibang mga nagawa dahil isang kakaibang Wendell ang makikita ng mga tao dito. “Para sa’kin, sa TV, ito yung isa sa nagawa ko na medyo mahirap pero sobrang heavy talaga, heavy drama talaga,” pag-amin niya. Kamusta naman kaya ang pasko ni Wendell ngayong taon in real life? “Siyempre, masaya na medyo may konting kalungkutan dahil… although masaya na ako para sa kanila, sa mga naging magulang ko, parang tumayong magulang ko sa industriya,” sagot niya, referring to his manager Wyngard Tracy who recently passed away, and his former manager, Douglas Quijano. Hindi pa raw naiisipan ng mga talents ni Wyngard na maghanap ng bagong manager. Ganito rin ba ang takbo ng isip ni Wendell ngayon? “Ako ganun din, e, hindi pa, pero sa status ko naman, unlike kay Kuya Goms [Richard Gomez], siguro they can manage themselves na rin. Pero ako siguro, kailangan ko pa rin na merong mag-manage sa’kin, pero so far, hindi ko pa naiisip,” he admitted. “Hihintayin ko munang matapos ang Krismaserye na ‘to, and I’m very thankful dahil kahit na ganoon, andiyan pa rin ang GMA na sumupport sa’kin, sina Tita Wilma [Galvnte].” Abangan si Wendell sa Jillian: Namamasko Po! weeknights bago mag-Grazilda on GMA. Pag-usapan si Wendell sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Wendell. Just text WENDELL (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) WENDELL (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.