
Bilib na bilib si Lolit Solis kay baby Tali, ang magtatatlong taong gulang na anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa mura kasi niyang edad ay hindi lang siya nagdadala ng saya sa kanilang tahanan; bahagi rin siya ng isang libo't isang tuwa ng mga manonood at netizens.
Pansin ni Lolit na maraming humahanga kay baby Tali.
Aniya, “Iba talaga pag meron bata sa bahay, Salve. Alam mo bang ang dami ng fans ni Talitha, ang anak nila Vic at Pauleen Sotto? Lahat cute na cute sa kanya pag bigla lumalabas siya sa Eat Bulaga lalo doon sa portion ng "Bawal Judgemental" na kung minsan sumasayaw sayaw siya, inaagaw microphone sa tatay Vic niya, nakikisali pag nagsasalita ang nanay Pauleen niya. Cute kasi iyon pagiging chubby ni Talitha, at bibo siya, madaling matuto.”
Bahagi rin ng kanyang kuwento, “Ito talaga ang reyna sa Sotto household,talagang siya ang nagdadala ng sunshine sa buhay nila Vic at Pauleen. Isa siyang doll para kay Pauleen na talagang alagang alaga niya. Naku Talitha, dami mong fans ha!”
Sa nauna niyang post, hiniling din ni Lolit na sana ay sundan na nina Vic at Pauleen ng isa pang kapatid si baby Tali.
WATCH: Baby Tali Sotto recites the Eat Bulaga theme song
Baby Tali Sotto, lagi na bang mapapanood sa Eat Bulaga?