Celebrity Life

Rico Blanco, Maris Racal magkasamang nagpabakuna

By Bong Godinez

Nabalot ng kilig ang social media nina Rico Blanco and Maris Racal matapos mag-post ng larawan ang dalawa na magkasamang nagpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama sa larawan sina Rico at Maris matapos umugong ang balita na may relasyon sila.

“Yayy first dose sa Araw ng Kalayaan. Tara magpabakuna na, mga bestfriend!” sabi ni Rico sa Instagram.

“Happy Independence Day! magpabakuna ka na bestie,” post naman ni Maris sa kanyang social media accounts.

Hindi naman siyempre naiwasan ng ilang followers ng dalawa na mag-comment matapos ang kanilang pictures.

“JOWA REVEAL HAHAHA,” pabirong sambit ng isang follower ni Maris.

“Malaayaaaang magmahal,” sabi naman ng isa.

“Sana all may kasama na sumalubong ng kinabukasan ng walang takot at walang pangamba,” komento ng isang follower ni Rico, gamit ang linya sa kantang "Antukin."

Unang lumutang ang spekulasyon na may relasyon si Rico at Maris nung Marso matapos mag-post ang huli ng video na kung saan ay kinakanta nila ang “Brighter Than Sunshine” ng Aqualung.

Sa dulo ng video ay makikitang inilapit ni Maris ang kanyang mukha kay Rico na para bang hahalikan niya ito.

Nitong Mayo ay inamin ni Maris na nagkakamabutihan na nga sila ng dating Rivermaya frontman.

“It just comes naturally. Walang perfect formula for it. If you get each other, automatic na 'yung connection, 'yung attraction,” sabi ni Maris.

Tingnan ang iba pang celebrities na nakapagbakuna na laban sa COVID-19: