Celebrity Life

Marian Rivera shares photos from her 37th birthday celebration

By Aimee Anoc

Umaapaw ang pasasalamat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa lahat ng biyayang natanggap sa 37 years ng kanyang buhay.

Sa Instagram, ibinahagi ni Marian ang birthday celebration nito kung saan makikita ang aktres na nakangiti suot ang puting dress.

Sa huling dalawang larawan, makikita ang aktres na hinihipan at hinihiwa ang kanyang pink birthday cake.

"Thankful for 37 years of life. I am filled with gratitude for all of you and for all the blessings," caption ni Marian.

Nagpaabot din ng pagbati ang kanyang mga tagahanga at ipinarating kung gaano sila kasaya para sa aktres.

"I'm your fan from Indonesia, happy birthday Marian Rivera!" pagbati ni @nunu8ngfamilia26.

"Happy birthday my screen goddess, the best Philippines actress of all time. My most beautiful mami, the Primetime Queen of the Philippines. I love you all the way from Nigeria," sulat ni @presh5105.

"Happiest birthday Ms. Marian! May the Almighty God bless you on your big day today and all the days of your precious life," dagdag pa ni @conolly007.

"Happy Birthday Ate Yan mahal ka namin sobra," pagbabahagi ni @paulin_joyce na may kasamang heart emojis.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 101,000 likes at 1,800 comments ang post na ito ni Marian.

Nagpaabot din ng pagbati sa kanyang kaarawan ang ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz tulad nina Boobay, Aiai delas Alas, at Ana Feleo.

Inalayan din si Marian ng isang tula ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Instagram.

Samantala, tignan sa gallery sa ibaba ang 37th birthday celebration ni Marian: