
Hindi na nga maawat ang pagkahumaling ng maraming Pinoy sa Korean Netflix series na Squid Game. Nito lamang nagdaan na Halloween, kabi-kabilang Squid Game-inspired costume ang isinuot ng mga fans at maging celebrities. Ang social media influencer naman na si Donnalyn Bartolome, gumawa ng Filipino version ng nasabing series para sa kaniyang Halloween vlog.
Inimbitahan ni Donnalyn ang ilang mga sikat na artista at kapwa influencer para magsilbing players. Kabilang na riyan ang Kapuso hunk actor na si Paul Salas bilang si Player 218, Baron Geisler bilang si Player 456, Richard Juan bilang si Player 67, Marvin Fojas bilang si Player 199, Coleen ng MNL48 bilang si Player 240, Rastaman bilang si Player 001, Ghost Wrecker bilang si Player 101, Boobsie bilang Squid Game doll, at habang si Donnalyn ay si Player 212.
Una nilang nilaro ay ang “Red Light, Green Light” game na may Pinoy twist ala sack race, kailangan nilang makalagpas ng base habang may suot na sako at hindi dapat gumalaw kapag lumingon na ang tingin ng doll na si Boobsie. Unang na-eliminate sa game na ito si Baron, habang si Paul Salas naman ang unang na-save sa laro matapos niyang malagpasan ang base.
Sunod naman nilang sinubukan ay ang ”Honeycomb Challenge” kung saan nahirapan silang butasin at matanggal ang shapes na star, circle, triangle, at umbrella sa matamis na honeycomb. Sa round na ito, nanalo si MNL48 member na si Coleen.
Dahil sina Paul at Coleen ang mga nanalo sa unang dalawang games, sila ang magiging leader na pipili ng kanilang team members para sa next game na “Tug of War” na ipapalabas naman sa next vlog ni Donnalyn.
Nasa PhP30,000 ang premyo ng mananalo sa lahat ng games, kaya naman determinado ang mga celebrity players na ipanalo ang laro.
Panoorin ang first part ng vlog na ito ni Donnalyn, dito:
Samantala, kilalanin naman ang iba pang mga YouTube vloggers kagaya ni Donnalyn at ang kanilang mga naipundar sa gallery na ito: