Celebrity Life

Aiai Delas Alas reacts to her viral video: 'May bago na naman [akong] title'

By Aimee Anoc

Hindi nagpahuli si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa mga viral video ngayon sa TikTok.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Aiai ang kanyang viral video na may mahigit 120,800 views na ngayon sa naturang social media platform.

"May bago na naman ako title... hahaha... nakita ko sa TikTok!" sulat ng komedyante.

Kuha ang clip ni Aiai mula sa performance niya sa The Clash kung saan kinanta niya ang hit song nina Ariana Grande, Jessie J, at Nicki Minaj na "Bang Bang."

Kahit na nabubulol sa pagkanta, hindi ito naging dahilan para itigil ni Aiai ang pagbibigay kasiyahan sa kanyang mga tagahanga.

Una nang ibinahagi ni Aiai ang nasabing performance na nagviral din sa Facebook noong 2019.

Caption ng komedyante, "Kapag nakainom at gusto mo 'yung kanta!"

Maraming netizens ang natuwa sa viral video na ito ni Aiai at maging ang ilang celebrity friends niya ay hindi nagpahuli sa pagpapakita ng suporta sa kanya.

"Panalo," sulat ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

"Waaaahahha!!! Unforgettable sa 'kin 'to mare!" dagdag ni Asia's Nightingale Lani Misalucha.

"Naguluhan ako du'n Ms Ai... akala ko nabago ang lyrics but I enjoyed a lot, napatawa mo ako ng 60," biro ni @mariamaja69.

"Ahahaha super aliw du'n sa pa lyrics," sabi ni @mrsgalang090614.

"Walang kupas! Iba ka pa rin! The only one!" paghanga ni @cutsalonwarren.

Kasalukuyang naka-enroll si Aiai sa baking course na pastry arts sa Academy of Pastry and Culinary Arts (APCA) Philippines. Para sa komedyante, nais niya pang hasain ang talento sa baking na kanyang magagamit sa online food business.

Samantala, tignan sa gallery na ito ang funniest memes ni Aiai bilang ikalimang miyembero ng K-pop girl group na BLACKPINK: