Showbiz News

Aiai, Candy, Eugene, Rufa Mae, at Pokwang, tampok sa nakatutuwang fan-made video na #EngkanTodonato

By Aimee Anoc

Nakaaaliw ang video na ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram, kung saan kasama niya ang mga kapwa komedyanteng sina Aiai delas Alas, Eugene Domingo, Candy Pangilinan, at Rufa Mae Quinto bilang mga sangg're ng Encantadia.

Makikita sa video na nakapatong ang mga mukha ng mga komedyante sa mga orihinal na gumanap na sangg're na sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, at Sanya Lopez.

Ipinalit sa mukha ni Primetime Queen Marian Rivera bilang Ynang Reyna Mine-a ang award-wining comedi enne na si Rufa Mae. Bilang Amihan naman si Candy, na orihinal na pinagbidahan ni Kylie. Ang karakter ni Glaiza na si Pirena ang pinalitan ng mukha ni Eugene. Si Pokwang naman bilang si Danaya, na ginampanan ni Sanya. Si Queen of Comedy Aiai naman ang inilagay kay Alena, ang karakter noon ni Gabbi..

“Eto na haahaaha #EngkanTodonato. @alonreyes101990 @itspokwang27 @candypangilinan @rufamaequinto @msaiaidelasalas eugenedomingo_official tawang-tawa ako sa mga kapangyarihan n'yo, kabahan na talaga ang mga Hathor. Hahahahaha HUSAY!!!” pagpapatawa ni Pokwang.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Napatawa na lamang ang kanilang mga fans sa video at hinihiling na sana magkatotoo ito.

“Eton a ang tunay na pasabog, ang inaabangan, kinagigiliwan at kababaliwan ng buong pamilya tayo na pagtuklas ng kamangha-manghang mundo ng mga engkantodo…” pagsuporta ni @alberrfontanilla.

“Pwede sana magkatotoo,” dagdag naman ni @ygstan_darong.

“Nagsama-sama mga comedian… love it,” ani @iamlhizasatis.

Abangan si Pokwang sa prequel ng award-winning sitcom, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, na malapit nang mapanood sa GMA.

Samantala, tingnan ang hottest photos ni Pokwang dito: