Celebrity Life

Michael V. mourns loss of his pet, conure bird Pepper

By Jimboy Napoles

May nakakaantig na Instagram post ngayon si Michael V. patungkol sa kaniyang namatay na alaga na si Pepper. Isang sun conure bird na nakasama ng kanyang pamilya sa matagal na panahon.

Ayon kay Bitoy, hindi raw niya masyadong napapansin noon si Pepper dahil ang kaniyang bunsong anak naman daw talaga ang may gusto rito. Pero si Pepper lang daw ang nag-stay sa kanilang pamilya dahil lumipad at hindi na bumalik ang dalawa pa nilang conure bird.

Kuwento niya sa kaniyang post, "I didn't care much about him nu'ng dumating siya. After all, 'yung bunso ko naman talaga ang may gusto sa kanya. My wife even got two conures para daw hindi sila malungkot in case mapabayaan. One day, 'yung isang conure, flew away and didn't come back leaving us with Pepper."

Kahapon, December 6, hindi raw nila inasahan na mamamaalam na rin sa kanila si Pepper.

"Then today, December 6, around 3 pm, 'yun na...nadale daw si Pepper ng pusa. Sabi ng household namin, lumipad daw si Pepper sa bakod and as soon as he landed, the cat got him by the head and dragged him away. Wala nang nagawa 'yung mga tao namin sa sobrang bilis ng mga pangyayari. At s'yempre, hindi mo rin naman masisi 'yung pusa," malungkot na sulat ni Bitoy.

Masakit daw para sa pamilya ng komedyante ang biglaang pagpanaw ng kanilang alagang ibon, dahil isa raw ito sa nagpasaya sa kanila nitong pandemya.

"At mas lumakas pa 'yung mga iyak namin nu'ng na-realize namin kung pa'no kami napasaya nu'ng ibon na 'to especially during the pandemic. Natuto s'yang lumipad at dumapo sa amin 'pag tinatawag namin s'ya. Madalas, literal na nakikitawa pa s'ya sa 'min when he hears us laughing at humahalik sa lips namin when he gets the chance," kwento pa ni Bitoy.

"And for a tiny creature, I never thought he'd be able to express love and gratitude but surprisingly, he did! Naramdaman naming lahat na mahal n'ya kami," dagdag pa niya.

Nang mawala raw si Pepper, mas naintindihan daw ni Direk Michael ang magic ng pagmamahal at ang sakit na mawalan ng alagang hayop.

Kuwento niya, "And now that he's gone, I realize na wala talaga sa size, gender or even species ang pagmamahal. Basta nagmahal ka and they love you back, that's all that actually matters... at ngayon na wala na s'ya, I realize, ang sakit pala. I never expected losing a pet can be this heartbreaking."

May paalala rin si Bitoy sa lahat ng pet owners na mas alagaan at mahalin pa ang kanilang mga alagang hayop.

"Kaya kayo d'yan, sana you don't take your loved ones for granted. Lalung-lalo na if they were able to make you feel how much they love you. Mas masarap sa pakiramdam ang magmahal kesa maiwan ng mahal mo sa buhay," sabi pa niya.

Samantala, mas kilalanin pa ang idol na si Michael V., sa gallery na ito: