
Sa selebrasyon ng kanyang 35th birthday, hiling ni Lovely Abella na makapagpasaya ng kapwa at makapagbigay inspirasyon.
Sa Instagram, ibinahagi ni Lovely ang kanyang pasasalamat para sa lahat na patuloy na sumusuporta sa kanya. At bilang pasasalamat sa kanyang mga tagahanga, ipamimigay ng aktres ang isa sa inaalagaang sasakyan na nabili niya noong 2014.
"Lord, salamat sa araw na ito," sulat ng aktres. "Sa lahat ng mga 'di kami iniwan at nagtiwala sa amin, salamat sa inyo. Makakaasa kayo na sa hirap at ginhawa kasama niyo kami."
Labis din ang pasasalamat ng aktres na kahit na may pandemya ay umaapaw ang biyayang natatanggap kung saan nakapagpatayo na siya ng dalawang kompanya kasama ang asawang si Benj Manalo.
"Good job babe [Benj Manalo]. Dalawang kompanya ang naitayo natin kasama si Lord. 'Di ako naniniwala na dahil lang ito sa aming dalawa, inilaan talaga ito ni Lord para makapag-share kami sa iba," pagbabahagi ni Lovely.
Ikinasal sina Lovely at Benj noong January 23 sa Quezon City. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pag-o-online selling na sinimulan noong 2020, naipatayo ng mag-asawa ang kanilang dream house at nakapagsimula ng iba pang mga negosyo.
Samantala, tingnan ang garden-themed wedding nina Lovely Abella at Benj Manalo sa gallery na ito: