Celebrity Life

Faith Da Silva, nanawagan ng tulong para sa Siargao

By Aaron Brennt Eusebio

Malungkot ang Las Hermanas aktres na si Faith Da Silva dahil sa nangyari sa Isla ng Siargao na malalang tinamaan ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.

Bago hagupitin ng bagyo ang Siargao ay nakapagbakasyon muna si Faith doon sa loob ng dalawang linggo.

Kuwento ni Faith sa GMANetwork.com, “I stayed in Siargao for almost two weeks. I was there alone and pinasunod ko 'yung kapatid ko and 'yung best friend ko and 'yung handler ko sa akin para meron naman akong kasama kasi nakakatakot mag-travel mag-isa.”

“But the whole time that I was there in Siargao, I never felt na parang outsider ako doon kasi very open 'yung mga tao, very friendly, very accommodating,” sabi niya. “So it really breaks my heart to see na right after we left Siargao, which I called home for two weeks, na nasira ng bagyong Odette.”

Dahil dito, nanawagan si Faith sa mga tao na magpaabot ng tulong para sa Siargao at sa iba pang probinsyang nasalanta ng Bagyong Odette.

“Humihingi rin po ako ng tulong sa mga tao kung pwede po natin suportahan 'yung mga donations, suportahan po natin sa mga nakilala ko po talaga na lokal doon sa Siargao, naubos po talaga lahat,” saad niya.

“Ang bahay nila, wala na po silang tinitirahan, wala rin po mga pagkain at tubig but now, it's getting better. Thanks to the help of Siargao community.”

Sa mga nais mag-abot ng tulong sa Siargao at iba pang probinsya na nasalanta ng Bagyong Odette, maaaring mag-donate online sa GMA Kapuso Foundation.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang ilang mga celebrities na nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette: