
Tampok sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) nitong Linggo (January 23) ang naging pagbisita ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa isa sa kanyang mga iskolar na si Maria Elena Miguel mula sa Biñan, Laguna.
Dating OFW ang ina ni Elena na si Mercedes Miguel ngunit hindi na nito kinakaya na masuportahan pa ang pag-aaral ng anak dahil sa pagakakaroon niya ng sakit sa puso.
Kuwento ni Mercedes, "'Nung panahon po na wala na talagang magawa, kinausap ko po siya [Elena]. Sabi ko 'Anak, baka pwedeng si Kuya mo muna ang pagtapusin natin?'"
Ngunit ayaw ni Elena na mahinto siya sa eskwela kaya naman sobra itong nagpapasalamat na isa siya sa napili ni Alden upang matulungan siyang makapagtapos. Ngayon ay halos pitong taon nang iskolar ni Alden si Elena.
"One day po na-meet ko po si Kuya Alden, sabi niya po "Sagot ko na ang tuition fee mo hanggang sa makatapos ka," Ani Elena.
Ito raw ang isa sa mga naging dahilan ng aktor upang itatag ang AR Foundation na may layong makapagbigay ng scholarship sa mga kabataang higit na nangangailangan.
Kuwento ni Alden, "When it comes to education kino-consider ko siya na investment ko to change people's lives. That's the most precious gift you can give to someone na dadalhin nila in their lifetime."
Dagdag pa niya, "Kaya I'm very passionate about this kasi I was there, isa ako sa mga taong ganoon [hirap makapag-aral] before."
Upang lalong ma-motivate ang kanyang iskolar na si Elena, personal na bumisita si Alden sa lugar nito sa Laguna. Masaya naman ang mag-ina nang makita sa personal ang ang kanilang sponsor na si Alden.
"Thank you, Alden kasi ikaw lang talaga ang nakatulong sa amin. Na-save po niya ang pag-aaral ng anak ko, sobrang bait po niya, blessed po talaga kami na nakilala namin siya," nagagalak na sinabi ng ina ni Elena na si Mercedes.
Mensahe naman ni Alden, "We help people who are deserving and worth the efforts para maabot nila 'yung mga pangarap nila sa buhay."
Hindi rin napigilang maging emosyonal ni Alden nang mapanood ang mensahe at pasasalamat ng kaniyang mga iskolar na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng KMJS.
Ang mga iskolar ni Alden ang magiging mga benepisyaryo sa paparating niyang docu-concert na 'ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.' na mapapanood na sa darating na January 30.
Para bumili ng tickets at makatulong sa mga iskolar, pumunta lang sa: https://ticket2me.net/e/34360
Ma-inspire sa kuwento ni Alden at ng kanyang mga iskolar, sa video na ito:
Samantala, mas kilalanin pa si Alden Richards sa gallery na ito: