GMA Logo Mavy Legaspi and Kyline Alcantara
Source: itskylinealcantara (Instagram)
Celebrity Life

Mavy Legaspi, sumulat ng tula para kay Kyline Alcantara

By Jimboy Napoles
Published February 6, 2022 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi and Kyline Alcantara


Naranasan mo na bang sulatan ng tula at alayan ng kanta?

Hindi napigilan ng aktres na si Bea Alonzo na kiligin sa sweet revelations ng Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa first vlog collaboration nila para sa kanyang YouTube channel.

Highlight ng vlog ang paglalaro nila ng '90s board game na Jenga habang sumasagot sa ilang mga tanong at gumagawa ng dares.

Dito ay ibinahagi ni Mavy na gumawa siya ng isang tula para kay Kyline at pinalapatan niya ng melody sa kanyang kaibigan na si Zack Tabudlo.

Kuwento ni Mavy, "I was in my feelings so super sentimental ako so I was typing this long poem from 5:35 to 6:00 AM, right when I hit 6:00 AM I thought of making it into a song so I contacted a friend of mine Zack Tabudlo. I said, 'There's a song I want your voice in it.' So we created the beat, then I sent it to my special someone."

"Are you going to reveal that anytime soon? Are you going to share that with the public or sa inyo lang 'yan?," tanong ni Bea.

Agad namang sumagot si Kyline, "Na-IG [Instagram] story ko na siya actually."

"That's so sweet!," kinikilig na reaksyon ni Bea.

Ikinuwento naman ni Kyline na madalas din siyang regaluhan ni Mavy kapag siya ay nakakaramdam ng stress.

"Nagpadala siya ng isang malaking bouquet of flowers sa bahay na parang pagkagising ko sabi ko 'Anong meron?' tapos sabi niya, 'I know kasi na that you're getting stress ganyan'."

Nauna na ring sinabi ni Kyline sa naging guesting nila sa The Boobay and Tekla Show na talagang boyfriend material si Mavy.

Panoorin ang masayang vlog collaboration nina Bea, Kyline, at Mavy sa ibaba:

Samantala, silipin naman ang ilang sweetest photos ng MavLine sa gallery na ito: