Celebrity Life

Baby Joaquin meets presumptive vice president Sara Duterte

By Jimboy Napoles

May cute and happy encounter ang anak nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na si baby Joaquin kay presumptive vice president at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang unang pagkikita sa isang event kahapon, May 12.

Sa isang TikTok video na ipinost ni Dianne sa Facebook, makikita si baby Joaquin na kinakausap ni Mayor Sara habang kalong ng kanyang daddy Rodjun

Makikita rin sa video na isinulat ng alkalde ang kanyang initials sa paa ni baby Joaquin, at game na game rin ito na makipagkulitan.

"That's S, D, Sara Duterte," wika ni Mayor Sara.

Pagkatapos nito ay gumuhit pa ang alkalde ng heart shape at happy face sa tabi ng kanyang initials. Nakangiti naman si baby Joaquin habang siya ay nilalaro.

"Buti hindi siya nagagalit," ani ng alkalde.

Sa huling parte ng video, makikita naman ang larawan nina Rodjun, Dianne, at baby Joaquin kasama ang presumptive Vice President.

Kabilang sina Rodjun at Dianne sa mga celebrity na sumuporta sa kampanya ni Mayor Duterte sa pagka-bise presidente sa katatapos lang na eleksyon 2022.

Samantala, silipin naman ang iba pang family bondings nina Rodjun, Dianne, at baby Joaquin sa gallery na ito.