Celebrity Life

Rich Asuncion congratulates husband Benj Mudie for earning his master's degree in Sydney

By Aimee Anoc

Natapos na ni Benj Mudie ang master of education degree nito sa larangan ng sports coaching sa University of Sydney.

Sa Instagram, proud na ibinahagi ni Rich Asuncion ang mga larawan ng asawa na kuha sa graduation nito. Ipinakita rin ng celebrity mom ang video ng mister habang kinukuha ang kanyang diploma.

"Your girls are mighty proud of you Papa [Benj Mudie]. All your hard work and sacrifices for the family have finally paid off and for that, I am truly grateful. We love you and just the same, I am always here to support. Congratulations again graduate," sulat ni Rich para kay Benj.

Bago ang graduation ni Benj, una nang ibinahagi ni Rich sa Instagram ang unang family trip nila kasama ang dalawang anak na sina Bela Brie at Baby Alessandra.

"First family trip for Benj Mudie's graduation," pagbabahagi ni Rich.

Si Benj ay isang Filipino-Australian rugby player. Ikinasal sina Rich at Benj noong May 28, 2018 sa Hong Kong.

Samantala, tingnan ang masayang buhay nina Rich Asuncion at Benj Mudie sa Australia kasama ang dalawang anak na sina Bela Brie at Alessandra sa gallery na ito: