Celebrity Life

Rufa Mae Quinto, ipinagpapasalamat ngayong birthday ang pagbabalik niya sa GMA

By Aedrianne Acar

Puno ng pasasalamat ang Instagram post ng multi-awarded comedienne na si Rufa Mae Quinto para sa kaniyang kaarawan ngayong araw, May 28.

Sa post ng former Bubble Gang star, special mention ang kaniyang asawa na si Trevor at anak na si Alexandria.

Hirit ni Rufa Mae, “And my baby love @alexandriamagallanes and @trevvvsilog for letting me work and fly to the Highest level!!

“Thanks to myself, for My family and friends Amen .”

Hindi rin nakalimutan mag-thank you ng aktres sa GMA-7 na muling binuksan ang pinto para sa kaniyang comeback bilang Kapuso.

Nitong Huwebes, May 26, isa si Rufa Mae Quinto sa mga malalaking celebrity na kabilang sa Signed for Stardom event ng Sparkle GMA Artist Center.

Aniya, “Go go go! Todo na to! Todo na tour! Todo na TOLS Salamat @sparklegmaartistcenter and @gmanetwork For my return of the welcome back in front of y'all Kapuso!”

Bukod sa followers at fans, bumati rin on her special day ang kaibigan niya na si LJ Moreno-Alapag.

Heto ang ilan sa mga pinagkaabalahan ng nagbabalik-Kapuso na si Rufa Mae Quinto sa gallery na ito.