advertisement
Celebrity Life

IN PHOTOS: Celebrities na natsismis na buntis

1 of 11

Angel Locsin

Napabalita namang nagpa-abort ang aktres na si Angel Locsin noong nagpunta siya sa London para mag-aral ng fashion design, ngunit itinanggi ito ng kanyang manager na si Becky Aguila.

2 of 11

Sarah Geronimo

Mariing itinanggi ni Matteo Guidicelli na buntis ang kanyang noon ay kasintahan na si Sarah Geronimo. Idineny din ito ng manager ni Sarah at Viva Entertainment chairman na si Vic Del Rosario at sinabing virgin pa ang aktres. Pumutok ang isyu noong na-cancel ang ilang shows ni Sarah dahil sa kanyang kalusugan.

3 of 11

Nadine Lustre

Pinagtawanan lang ng aktres na si Nadine Lustre na siya'y nagdadalang-tao. Sinakyan pa ito ng kanyang boyfriend na si James Reid at pabirong sinabi na siya ang buntis at hindi si Nadine. Lalo pang tumindi ang spekulasyon na buntis si Nadine matapos iugnay dito ng kanilang fans ang tweet ni James na may katagang, "Today my world has changed." Ngunit, ang tweet na ito ay may kinalaman sa bagong blessing na natanggap ng aktor.

advertisement
4 of 11

Antoinette Taus

Hindi mamatay-matay ang issue na may love-child si Antoinette Taus. Sinabi niya sa isang interview na hindi niya kailanman itatago kung nagkaroon man siya ng anak.

5 of 11

KC Concepcion

Napabalitang buntis si KC Concepcion noong nagtungo siya sa Paris para mag-aral at nagbayad daw ng milyones ang kanyang ina na si Sharon Cuneta para hindi kumalat ang isyu. Usap-usapan din na siya ang tunay na ina nina Miel at Miguel pero hindi siya nagpaapekto sa kontrobersiya.

6 of 11

Loiuse delos Reyes

Tinawanan lang ni Louise delos Reyes ang tsismis na nagdadalang-tao siya. Pero inamin niya na nasaktan siya dahil nakita niyang nalungkot ang kanyang pamilya nang dahil sa tsismis. Muling napabalitang buntis ang aktres noong ipinost niya sa Instagram ang kanyang preggy picture pero ito ay para sa isang role lamang sa 'Magpakailanman.'

advertisement
7 of 11

Kris Aquino

Matapang na sinagot ng Queen Of All Media na si Kris Aquino ang isyu tungkol sa diumano'y pagdadalang-tao niya noong 2010. Nilinaw ng aktres na hindi siya maaaring mabuntis muli dahil nahirapan siya sa pagbubuntis kay Bimby. Marahil daw ay may nakakita lang sa kanya na nagpa-check up sa OB-Gyne, isang linggo bago siya lumipad patungong America, para humingi ng clearance para sa kanyang anti-cervical cancer advocacy.

8 of 11

Ellen Adarna

Pumutok ang balita noong Setyembre 2017 na ipinagbubuntis ng sexy actress na si Ellen Adarna ang anak nila ni John Lloyd Cruz. Walang diretsahang naging pag-amin ngunit kalaunan ay lumabas na ang balita na nanganak na si Ellen sa isang baby boy na pinangalan nilang Elias.

9 of 11

Anne Curtis

Taong 2018 nang marami ang nakapansin sa pagdagdag ng timbang ni Anne kaya naman marami ang nagtanong kung buntis na nga ba ang asawa ni Erwan Heussaff. Sa isang instagram post, sinagot ni Anne ang mga issue sa pamamagitan ng isang hashtag - #NotPregnantJustChubs.

Noong 2020, isinilang ni Anne ang kanyang anak na si Dahlia Amelié sa Australia.

advertisement
10 of 11

EJ Laure

Taong 2018 nang maging maugong ang usapan sa social media na magiging magulang na ang volleyball player na si Ennajie "EJ" Laure at former child star na si Bugoy Cariño. Dinaan ng dalawa sa kani-kanilang mga social media accounts ang kanilang sentimyento at hiling na tapusin na ang naturang isyu.

Dalawang taon ang makalipas, ikinagulat nang marami ang pagpapakilala ni Bugoy at EJ sa kanilang anak na si Baby Scarlet.

11 of 11

Herlene "Sexy Hipon" Budol

Naging usap-usapan ang diumano'y pagbubuntis ni Herlene "Sexy Hipon" Budol ngayong 2021. Ayon pa sa bali-balita, ang host ng 'Wowowin' na si Willie Revillame ang ama nito. Agad naman itong pinabulaanan ng Kapuso host sa "Tutok To Win." Sa kabilang banda, dinaan naman ni Herlene sa biro ang pagsagot sa isyu.