Celebrity Life

Jen Rosendahl mourns loss of her dog Chanel: 'My heart is broken'

By Aedrianne Acar

Ikinagulat ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento star na si Jen Rosendahl ang pagkamatay ng kanyang fur baby na si Chanel.

Sa Instagram Story ng former sexy star, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang pet dog at sinabing sobra niya itong mami-miss.

Post niya, “My heart is broken.”

“I love you so much Chanel, why did you leave us?

“Run free in pet heaven my sweet baby girl you will be forever in our hearts,” ani Jen.

Source: jenrosendahl (IG)

Matatandaang noong December 2021, ipinagluluksa rin ng kanilang direktor sa Pepito Manaloto na si Michael V. nang mamatay ang kanilang sun conure bird na si Pepper.

Tingnan ang masakit na pamamaalam ng ilang celebrities sa kanilang paboritong pets sa gallery na ito: