Celebrity Life

Raymond Gutierrez shares his struggles before he officially came out

By EJ Chua

Matapos manirahan sa Amerika nang halos isang taon, balik Pilipinas na ang isa sa kambal ng Gutierrez family na si Raymond.

Kasunod nito, naimbitahan si Raymond ng Kapuso Mo, Jessica Soho para sa isang panayam kaugnay ng Pride Month celebration.

Matatandaan noong August 2021, binitawan ng TV host ang ilang mga salita sa isang magazine interview na naging usap-usapan sa mundo ng show business, “I don't want it to look like I'm hiding. I don't want it to look like I'm not happy, because I am.”

Ngayong 2022, tila ito na ang tamang panahon upang maibahagi niya ang kaniyang mga pinagdaanan bago niya tuluyang niyakap at isinapubliko ang tunay niyang pagkatao.

Sa naging panayam ng journalist at TV host na si Jessica Soho sa kakambal ni Richard Gutierrez, ilang inspiring stories ang napanood ng mga Kapuso.

Kuwento ni Raymond, “Bata pa lang kami, talagang na-feel ko na iba ako, iba 'yung mga hilig ko kay Richard. Iba 'yung mga gusto kong gawin, iba 'yung barkada namin, iba 'yung personality namin.

It also was not easy na si Richard naging superhero sa Pilipinas, naging leading man, naging matinee idol. I really felt like I was different.”

“I think that's why also nahirapan din ako to come to terms with it because, ten years ago is not the same as being gay today. Ngayon marami tayong nakikitang gay personalities in TVs, in movies, in social media. Nung panahon ko, kapag gay ka ibig sabihin komedyante ka, sidekick ka, pero hindi ikaw ang bida. The decision I was making was not for myself, but for my whole family,” dagdag pa niya.

Inamin din ni Raymond na naranasan daw niyang ma-bully noon.

“I have to be honest, medyo na bully din ako dati ng mga older generation… TV hosts and actors. Dati ayokong pumasok sa mga dressing room kasi sasabihin nila, 'Ay 'di ba 'yan 'yung baklang kakambal ni Richard.' I think it also makes it difficult for celebrities to come out.”

Bukod sa unang beses na nagsalita na siya sa publiko, nag-iwan din siya ng encouraging message para sa mga manonood na posibleng nararanasan din ng kaniyang mga pinagdaanan.

Ayon kay Mond, “I want to use my platform to empower others na may pinagdadaanan silang something similar. Napagdaanan ko rin 'yung ganung struggles, you are not alone.”

Kasunod ng naging panayam, ipinaabot ni Raymond kay Jessica Soho ang kaniyang pasasalamat sa isang post sa kaniyang Instagram account.

Sulat ni Mond sa caption ng kaniyang post, “It was an honor being interviewed by one of the most respected journalists in the Philippines, @km_jessica soho. To those who watched our sit-down interview last night on @gmanetwork, thank you for your kind words.”

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Raymond Gutierrez sa latest episode ng KMJS dito:

Samantala, kilalanin ang ilan pang celebrities na proud members ng LGBTQIA+ community sa gallery na ito: