Celebrity Life

Kylie Padilla, masaya sa kanyang love life at career


Blooming ang Kapuso actress na si Kylie Padilla lately. Hindi ito nakapagtataka dahil going strong ang relasyon nila ni Aljur Abrenica at pagbibidahan niya ang upcoming GMA Telebabad series na Adarna.

Nakausap namin si Kylie pagkatapos ng Come And Get Me concert ni Aljur sa Music Museum noong November 7.

Tinanong namin ang Kapuso leading lady kung ano ang kanyang masasabi sa performance ni Aljur sa kanyang pangalawang concert.

Sagot niya, “I found it really good, actually. Wala halos mali and he was really confident onstage. Ang galing! Congrats, AJ!”

Ano ang kanyang paboritong parte ng concert?

“The whole thing, especially when he was looking at me,” kinikilig na sagot niya.
Ito naman ang kanyang message para kay Aljur: “Congratulations. I hope that this is not your last concert. I think marami ka pa talagang mararating dahil magaling ka talaga.”

Kung career naman ang pag-uusapan ay wala nang hihingin pa si Kylie. Aniya, “Nape-pressure ako kasi first Primetime ko [ang Adarna]. Ang tagal ko nang pinangarap iyan, pero alam ko rin na mahirap ‘yung labanan. Kailangan mo talagang galingan.”

Ano ang kanyang masasabi sa kanyang ka-love team sa Adarna na si Geoff Eigenmann?

Ayon kay Kylie, “Nakasama ko na siya sa gym, so wala na masyado ‘yung wall, pero siyempre para maging kumportable ka sa isang love team, kailangan para sa akin, matagal. Kailangang ma-build ‘yung trust. Nandoon pa lang kami.”

Huwag palampasin ang Adarna, simula ngayong November 18 sa GMA Telebabad. Abangan din ang Come and Get Me concert ni Aljur Abrenica sa SNBO ngayong November 24.

Para sa updates tungkol sa inyong paboritong Kapuso stars at shows, mag-log on lamang sa www.gmanetwork.com. - Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com