TV

Paano nga ba ang hatian nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa pagpapalaki kay Alas?

By Aaron Brennt Eusebio

Ngayong nagsimula na mag-taping ang TODA One I Love, palagi na namang wala sa bahay si Kapuso star at celebrity mom Kylie Padilla.

Aljur, Kylie & Alas

Pagkatapos ng kanyang recording para sa OST ng TODA One I Love, tinanong ng GMANetwork.com si Kylie kung ano ang naging usapan nila ng asawa niyang si Aljur Abrenica sa pagpapalaki sa kanilang one-year old son na si Alas Joaquin, ngayong busy na siya sa trabaho.

Sagot ni Kylie, “Nagpapasalamat ako sa ngayon, parang nagpalit lang kami, siya 'yung naiiwan tapos ako 'yung nagtatrabaho. Sana for the rest of our working lives, ganon, [palitan kami] pero syempre hindi maalis na baka sabay kami magtrabaho. Pero sa ngayon okay kami, siya 'yung nag-aalaga."

Mapapanood na sa February ang TODA One I Love, isang eleskyon-serye na mayroong romantic-comedy twist.

Makakasama ni Kylie sa TODA One I Love sina Ruru Madrid, David Licauco, Gladys Reyes, Victor Neri, Jackie Rice, Kimpoy Feliciano, Kim Domingo at marami pang iba.

IN PHOTOS: Meet the cast of GMA's upcoming series 'TODA One I Love'

Abangan ang TODA One I Love sa GMA Telebabad!

WATCH: TODA One I Love: Aarangkada na ngayong 2019 | Teaser