Celebrity Life

Carla Abellana, wala nang gustong balikan sa kanyang past: 'Whatever happened, meant to be 'yun'

By Jimboy Napoles

Happy and glowing na sumalang sa isang one-on-one interview ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa YouTube vlog ng TV host na si Luis Manzano, kamakailan.

Hindi gaya ng ibang panayam, feel good lamang ang naging usapan nina Carla at Luis na kapwa nagkuwento tungkol sa kani-kanilang mga buhay ngayon.

Sa nasabing vlog na ipinost ni Luis kahapon, November 8, isa sa kanyang naging tanong kay Carla ay tungkol sa usapin ng "past."

"Kung makakabalik ka sa past, anong isang bagay ang babaguhin mo?" tanong ni Luis na mabilis namang sinagot ng aktres.

"Siguro hindi na lang mag-showbiz," natatawang sinabi ni Carla. "Hindi, hindi joke lang," pagbawi niya.

Ayon kay Carla, aminado siya na minsan ay naiisip niya rin ang mga nangyari sa kanyang past, pero paglilinaw niya, wala naman siyang gustong balikan o ibahin sa kanyang nakaraan.

Aniya, "There are many times talaga [in the past] na gusto mong balikan tapos iibahin mo 'yung choice mo that time or 'yung decisions mo, pero siguro parang hindi e, because, in a way, kapag sinabi mong gusto mong bumalik doon para baguhin or what parang tuloy hindi ka pa nakakabitaw from your past or whatever that moment is so parang wala naman, wala naman akong babalikan para palitan or ibahin, wala naman."

Dagdag pa niya, "Whatever happened, meant to be 'yun. Lahat parang orchestrated na. It's just a matter of how you live out those moments or how you react to those moments."

Sa naturang interview, ibinahagi din ni Carla ang ilan sa mga natutunan niya sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay.

"One day at a time. Wala tayong magagawa that's part of life, hindi laging masaya, hindi laging tumatawa or nakangiti na whether you are alone with life or with somebody, and a complete family, may times na things happen and wala tayong magagawa kung 'di tanggapin 'yun and there are certain things or people that we cannot change, siguro 'yung how you react to it na lang," ani Carla.

Mensahe rin ng aktres sa mga taong may pinagdaraanan, ay dapat tulungan ang sarili sa kung ano man ang kinakaharap na pagsubok.

"So parang in a year's time sa buhay ng mga tao may mga nangyayari talaga na hindi naman nila gusto or hindi nila in-expect 'di ba? pero ganun lang 'yun as long as you don't give up on yourself," patuloy pa ni Carla.

Bukod sa kanyang pagbabalik telebisyon, nakatuon ang atensyon ngayon ni Carla sa kanyang pamilya, at pagpapatayo ng kanyang dream house.

Mapapanood si Carla bilang si Mary Ann Armstrong sa GMA live adaptation ng Japanese anime series na Voltes V: Legacy.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN PA SA MGA STUNNING PHOTOS NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: