Celebrity Life

Herlene Budol, nakakuha ng karamay mula sa netizens matapos 'magsumbong' sa yumaong lola

By Jansen Ramos

Nakisimpatiya ang netizens kay Herlene Budol matapos mag-post ng kanyang mga larawan kung saan nakahiga siya katabi ng puntod ng kanyang lola na si Virginia Budol.

Sabi niya, "Nasumbong ko nang lahat kay nanay," bago ang teary-eyed and planet emojis.

Posible ang tinutukoy ni Herlene ay ang mga hinaing niya dahil sa mga aberyang sinapit niya sa Miss Planet International 2022.

Nagpasya ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino na i-withdraw siya bilang kinatawan ng bansa sa kompetisyon dahil sa traumatic experience nila roon na inilarawan ng actress/vlogger na isang "bangungot" dahil sa kakulangan ng koordinasyon ng organisasyon.

Ilang araw matapos makauwi ng Pilipinas mula Uganda kung saan sana gaganapin ang ngayo'y postponed na Miss Planet International 2022, binisita niya agad ang puntod ng kanyang lola.

Bahagi ni Herlene, "Dati kasi siya 'yung sumbungan ko, siya 'yung nakikinig at naniniwala sa 'kin. Ngayon, I feel na hindi lang ako nawalan ng lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan."

Nagbigay rin ng mensahe si Herlene sa kanyang yumaong lola na kung tawagin niya ay "Nanay Bireng."

Patuloy niya, "Kaya kahit wala ka na sa tabi ko, alam kong ikaw pa rin ang kakampi ko. Alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako nang safe."

Sa comments section ng kanyang post, nakakuha ng karamay si Herlene mula sa netizens na nagpahayag din ng kanilang pangungulila mula sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.

Ayon sa Facebook user na may pangalang Ligaya Baldomero Cornito Serrano, "Ito ginagawa ko after nawala ung husband ko.. Bigla nlang ako Punta sa kanya.. Kaya pinasadya ko na parang unan ung lapida para puedi akong humingi when my head on it.. Then pipikit ang Mata then parang kakausapin siya.. Ang laki ng tulog pars mapagaan ung bigat ng dinadala."

Samantala, may ilan din ang bumatikos kay Herlene at sinabihang "OA" ang kanyang latest post.

Dinepensahan naman siya ng ilan niyang tagahanga na humiling na respetuhin ang kanyang feelings.

"HEY PEEPS, can we just respect her way expressing her heartaches, her rants or venting out her feelings.. If that will ease her heavy back baggage then SO BE IT..Godly nman si Miss Herlene.. Am sure alam nyang balansehin lahat.. kung naartehan kau ..eh di wag nyo basahin posts nya.. NEGA KAU sa mundo," pakiusap ng Instagram user na may handle na marie_antonette_duque.

Pumanaw ang lola ni Herlene noon lamang Hunyo sanhi ng kidney failure at iba pang sakit.

Labis itong ikinalungkot ni Herlene noong panahon na iyon kung kailan nasa kasagsagan siya ng kanyang paghahanda para sa Bb. Pilipinas 2022 at inaasahan niyang makanonood ang kanyang lola ng coronight night ng pageant.

NARITO ANG PAGBIBIGAY-PUGAY NG IBA PANG CELEBRITIES SA MGA YUMAO NILANG MAHAL SA BUHAY NGAYONG TAON: