Celebrity Life

Bea Alonzo, inilahad kung saan magpa-Pasko ngayong taon

By Maine Aquino

Inamin ni Bea Alonzo paboritong okasyon niya ang araw ng Pasko.

Ibinahagi ito ng Start-Up PH star nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba? at nakakuwentuhan si Carmina Villarroel.

Itinanong ni Carmina ang Christmas plans ni Bea ngayong taon at inamin ni Bea na dito siya magpa-Pasko sa Manila.

PHOTO SOURCE: @beaalonzo



Ani Bea, "Kasama ko 'yung family ko. Mag-Christmas kami baka dito kami sa Manila na."

Excited naman ang aktres sa pagbabahagi na inihahanda na niya ang kanyang bahay sa holiday season.

"Inaayos ko 'yung bahay. Mahilig kasi ako mag-ayos ng bahay tuwing Pasko. Super big deal sa akin,” dagdag niya. "Maabala ako, isa akong hermana mayor."

Inilahad rin ni Bea kung bakit pinakapaborito niya ang araw ng Pasko

Saad niya, "Favorite na okasyon ko talaga ang Pasko more than my birthday. Parang lahat sini-celebrate ninyo at walang trabaho lahat ng tao."

Samantala, balikan ang ilan pang mga kuwento ni Bea tungkol sa Pasko sa online exclusive na ito: