TV

Sarap, 'Di Ba?: Carmina Villarroel and Bea Alonzo prepare a delicious Noche Buena dish

By Maine Aquino

Masayang Sabado bonding at may nakakatakam pang dish ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? nitong December 3.

Sa episode na ito naka-bonding ni Carmina Villarroel si Bea Alonzo sa paghahanda ng isang masarap na dish. Ito ay ang Chicken and Chorizo Embutido.

Nakasama rin nitong Sabado ng umaga at hindi nagpahuli sa kulitan ang Start Up PH stars na sina Alden Richards at Jeric Gonzales. Kasali rin ang makukulit na Kapuso comedians na sina Pekto at Betong Sumaya sa masasayang games na inihanda ng Sarap, 'Di Ba?

Patuloy lamang na tumutok sa Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa livestream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.

Huwag na huwag rin palalampasin ang pagsali sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!