Celebrity Life

Jake Vargas, gustong isama ni Angel Satsumi sa Japan


Gumaganap bilang nakatatandang kapatid ni Angel Satsumi si Jake Vargas sa hit comedy show na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Dahil only child si Angel sa totoong buhay ay naging malapit sila ng kanyang Kuya Jake sa isa't isa, kahit madalas silang nag-aasaran sa kanilang mga eksena.

According to Jake, malambing na bata si Angel kaya hindi mahirap para sa kanya na matuwa at maging malapit sa chikiting. Nakatulong din daw na marami siyang pamangkin kaya alam na niya kung paano makitungo sa mga batang kaedad ni Angel.

Nagpapaturo rin ba si Angel kay Jake pagdating sa homework nito, tulad ng ginagawa ng ibang cast members?

Hindi pa raw lumalapit si Angel sa kanya para magpatulong pero may isang bagay raw itong ni-request sa kanya.

"Gusto lang niya akong isama sa Japan," natatawang sagot ni Jake.

Bakit naman ito ang naisip ni Angel?

Paliwanag ni Jake, "Gusto niya akong ilibot doon kasi taga-roon siya. Sabi niya sa akin na isasama raw niya ako roon, igagala niya ako roon, (at) ipapakilala raw niya ako sa papa niya."

Panoorin ang lambingan at bangayan ng magkapatid na sina Chito at Clarissa, played by Jake Vargas and Angel Satsumi, sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights pagkatapos ng Kap's Amazing Stories.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Meryl Ligunas, GMANetwork.com