Celebrity Life

Jillian Ward's latest sexy snap amazes fans; Jeff Moses has a comment

By EJ Chua

Muling pinatunayan ng Abot-Kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward na hindi lamang siya kilala dahil sa kaniyang pag-arte kundi pati na rin sa kaniyang physical appearance.

Si Jillian ay isa sa most followed celebrities ngayon sa social media.

Tuwing mag-upload ang Kapuso star ng larawan sa kaniyang Facebook at Instagram account, madalas ay pinag-uusapan ng kaniyang fans at ng netizens ang kaniyang hourglass body shape.

Matapos mag-trending ang bagong profile picture si Jillian sa kaniyang official Facebook account, mabilis na namang humakot ng libu-libong likes ang kaniyang kaniyang bagong larawan.

Sa latest picture ng aktres, makikitang hot na hot siya habang suot ang kaniyang neutral-colored outfit.

Kasunod nito, muling nakatanggap ng papuri si Jillian mula sa kaniyang fans at netizens.

Bukod sa mga ito, napa-comment din sa bagong post ng aktres sa Instagram ang kaniyang Abot-Kamay Na Pangarap co-star na si Jeff Moses, na gumaganap sa serye bilang si Reagan Tibayan, ang janitor sa APEX Medical Hospital na may gusto kay Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Sa kasalukuyan, ang bagong larawan ni Jillian ay mayroon nang mahigit 53,000 likes sa Facebook, at mahigit 55,000 likes sa Instagram.

Samantala, sa ngayon ang aktres ay mayroon nang 3.7 million followers sa Instagram, 16 million followers sa Facebook, at 5 million followers sa video-sharing app na TikTok.

Patuloy na subaybayan ang Kapuso teen star sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG JAW-DROPPING LOOKS NI JILLIAN WARD SA GALLERY SA IBABA: