Celebrity Life

Maja Salvador, emosyonal na nagpasalamat sa 17th Eastwood Walk of Fame

Puno ng pasasalamat si Maja Salvador dahil kabilang siya sa mga personalidad na kinilala sa ginanap na 17th Eastwood Walk of Fame.

Ginanap ang 17th Eastwood Walk of Fame nitong January 18. Ilan sa mga personalidad na nakasama ni Maja ay sina 2020 Tokyo Olympics weightlifting gold medal winner Hidilyn Diaz, National Artist Ricky Lee, entertainment reporter Mario Dumaual for news and public affairs, singer Janet Basco for music, broadcast journalist Gerry Baja for radio, at internet sensations Ranz Kyle at Nianna Guerrero for social media.

Kinilala rin ang late National Artist for Theater Tony Mabesa para sa kanyang contributions sa teatro.

Emosyonal si Maja nang magpasalamat dahil kabilang na siya sa Eastwood City Walk of Fame.

"'Di ko alam ang sasabihin ko, I am overwhelmed by this honor you're giving me tonight. Maraming maraming salamat po. I would like to share it with my management, Crown Artist Management."

Inilahad rin ng Eat Bulaga star ang pasasalamat sa mga taong naging daan sa pagtupad ng pangarap niya sa showbiz.

Ani Maja, "Kay Mr. M (Johnny Manahan). Parang walang Maja Salvador kung hindi rin kay Mr. M. Sa unang manager ko, Tita Chit Ramos, forever akong nagpapasalamat sa kanya."

Dagdag pa ni Maja ang pasasalamat sa mga supporters niya simula nang siya ay mag-artista.

"Of course sa lahat ng fans na laging nandiyan who supported me through the years. Maraming, maraming salamat."

Ayon pa kay Maja, maagang regalo ang mapabilang sa Eastwood City Walk of Fame dahil sa darating na February na ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.

"Magandang gift ito sa akin kasi kung hindi po ninyo naitatanong, 20 years na po ako sa industry this coming February. Ang gandang regalo nito sa akin kaya maraming salamat po."

Congratulations, Maja!

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING OUTFITS NI MAJA SA GALLERY NA ITO: