Celebrity Life

Sofia Pablo and Allen Ansay surprise each other on Valentine's Day

By Jimboy Napoles

Magkahiwalay na Valentine's Day surprise ang natanggap ng Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay mula sa isa't isa.

Sa kanilang vlogs sa AlFia YouTube channel, ibinahagi nina Sofia at Allen ang kanilang ginawang nakakakilig na sorpresa na talaga namang ikantuwa rin maging ng kanilang mga fans.

Sa first part ng kanilang vlog, mapapanood ang paghahanda at pagsorpresa ni Allen kay Sofia gamit ang polaroids ng kanilang sweetest photos together. Isa-isa itong ikinabit ni Allen sa maraming heart-shaped balloons na halos i-cover na ang buong kuwarto.

Source: Alfia (YouTube)

Nang matapos na ikabit ang lahat ng kanilang polaroid pictures, inihanda naman ni Allen ang bouquet of flowers na ibibigay niya kay Sofia. Matapos ito ay tinawag niya na si Sofia.

Pagpasok ni Sofia ng pintuan, nagtaka si Sofia dahil madilim ang kuwarto at nang maglakad na siya papasok, dito niya na nakita ang sweet surprise ni Allen.

Source: Alfia (YouTube)

Mahigpit na yakap naman ang natanggap ni Allen mula kay Sofia dahil sa saya ng dalaga sa ginawang surprise sa kanya ng una.

Maya-maya naman ay biglang lumuhod si Allen sa harap ni Sofia, hindi upang mag-propose ng kasal, kung 'di para mag-propose ng isang simple date sa isang ihawan ng mga street food.

Source: Alfia (YouTube)

Samantala, sa second part ng kanilang vlog, mapapanood naman ang sorpresa na ginawa ni Sofia para naman kay Allen.

Dito ay nagkuwento si Sofia kung bakit niya naisipan na bigyan din ng Valentine's surprise si Allen.

Kuwento niya, “Bibili naman ako ng [Valentine card] para sa letters ko for him dahil naisip ko lang na every Valentine's Day for three years, laging siya 'yung may binibigay so ngayon, gusto ko naman ako 'yung may ibibigay sa kanya.”

Matapos makabili ng Valentine card at balloons, dinala ito ni Sofia sa pictorial nila ni Allen sa University of the Philippines para sa kanilang upcoming digital series na In My Dreams.

Hindi alam ni Allen na kinausap na pala ni Sofia ang ilan sa production staff ng nasabing programa upang hindi nito mapansin ang kanyang surprise.

Habang kinukuhanan ng video si Allen, dali-daling lumapit si Sofia sa kanyang likod dala ang malaking Valentine card at balloons, pagtalikod ni Allen, nagulat siya ng makita si Sofia at ang regalo nito sa kanya.

Source: Alfia (YouTube)

Samantala, patuloy na tumutok sa Luv is: Caught in His Arms kasama sina Sofia at Allen bilang sina Florence at Nero, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: