Celebrity Life

Alden Richards, pinangunahan ang coastal cleanup sa Batangas

By Faye Almazan

Nakibahagi si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa isinagawang beach and reef cleanup drive sa ilang lugar sa Mabini, Batangas nitong Sabado, March 25.

Ayon sa Kapuso star ay ito ang unang beses niyang maging bahagi ng isang cleanup drive at bonus pa na siya ay nakapag-scuba dive para sa isang magandang adbokasiya.

"This is an eye opener for me. Ang sarap sa pakiramdam na sisisid ka sa kailaliman ng dagat tapos pupulot ka ng basura. Iba 'yung feeling kasi when you just do it on the streets e,” ani Alden sa isang media roundtable.

Ibinahagi ni Alden kung bakit importante para sa kanya ang pagsuporta sa campaigns na kagaya ng “Saving Our Seas” ng local canned tuna brand na Century Tuna.

“It's very essential, I think, especially para sa celebrities kasi we have the platform, we have the influence, and we're able to amplify message that needs to be sent to a lot of people, which is essential for the common good,” sagot ng aktor.

Bukod sa underwater cleanup ay sumama rin sa shore cleanup si Alden.

“I hope this movement inspires a lot of people also. It doesn't necessarily mean na kailangan mo mag-scuba dive para ma-save mo 'yung environment, you can just do your own small way of just taking care of your waste management," ani Alden.

Ang “Saving Our Seas” initiative ng Century Tuna ay naglalayon na makakolekta ng 10 metric tons ng plastic waste mula sa baybayin ng Mabini, Batangas ngayong 2023.

Hinikayat rin ni Alden ang iba na makibahagi sa programa bilang paglaban sa plastic pollution.

“Sana marami ring ma-inspire na celebrities, even influencers and content creators, to create content on behalf of saving the environment,” dagdag niya.

Kasama ni Alden ang mga kawani ng Century Tuna, ilang Superbods winners at finalists, at iba pang mga volunteers sa naturang cleanup.

TIGNAN ANG ILAN SA MGA CAREER HIGHLIGHTS NI ALDEN DITO: