Celebrity Life

Sorpresa ni Rabiya Mateo para kay Jeric Gonzales, kinakiligan ng netizens

By Abbygael Hilario

Hindi napigilan ng ilang netizens na kiligin sa sweet gesture ng Kapuso beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo para sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales.

Sa social media, ibinahagi ng Sparkle heartthrob ang ilang mga larawan at video kung saan makikitang sinorpresa siya ni Rabiya sa airport.

Sa kanyang post, bitbit ni Rabiya ang bouquet of flowers at isang banner kung saan may nakasulat na "Welcome home baby boy! Congratulations!”

Idinaan naman ni Jeric ang kanyang pasasalamat kay Rabiya sa isang Instagram post.

Aniya, "You never fail to surprise and amaze me @rabiyamateo (kahit na hindi ganun kalayo ang pinuntahan ko para mag work at hindi ganun katagal I felt your love and effort to surprise me) so thank you for being the best partner and person I could ever ask for. I love you to the moon and back."

Samantala, sa comments section, nag-iwan naman si Rabiya ng mensahe para sa Kapuso actor.

"I read somewhere men would receive flowers for the first time during their funeral. Kaya babaguhin natin yun," sulat niya.

Lalo namang humanga ang fans ni Rabiya dahil sa ipinakitang sweetness nito sa kanyang nobyo.

Saad ng isa niyang taga-suporta, "Rabiya set the bar! Hindi lang babae ang binibigyan ng flowers!"

TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC GONZALES AT RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: