GMA Logo bea alonzo and dominic roque
Celebrity Life

Bea Alonzo at Dominic Roque, tila bumalik sa umpisa ng relasyon matapos ang engagement

By EJ Chua
Published August 1, 2023 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

bea alonzo and dominic roque


Dominic Roque sa relasyon nila ngayon ni Bea Alonzo: “Parang nung first time kaming nagkasama, first time nagliligawan.

Kasunod ng naganap na engagement nina Bea Alonzo at Dominic Roque, pinaunlakan nila ang imbitasyon ng Kapuso Mo, Jessica Soho para sa pinakauna nilang interview nang magkasama.

Sa pagbisita ng newly-engaged couple sa naturang programa inilahad nina Bea at Dom ang ilang detalye matapos ang nangyaring wedding proposal.

Nang tanungin ng host na si Jessica Soho ang couple kung ano ang nararamdaman nila ngayon matapos ang espesyal na araw ng kanilang mga buhay, masaya itong sinagot nina Bea at Dominic.

Sagot ng Kapuso actress, “Sa totoo, pinoproseso pa naming pero ang alam ko… may nagbago talaga sa relasyon namin.”

Para kay Bea, tila bumalik daw sila sa umpisa ni Dominic.

Sabi niya, “Biglang mas naging in love kami, parang nag-uumpisa kami ulit… kinikilig sa isa't isa.”

Sagot naman ni Dominic, “Same, kasi kakagaling lang po naming ng Singapore… parang nung first time kaming nagkasama, first time nagliligawan."

Dagdag pa niya, "Yung feeling po na in love, totoo po talaga siya."

Pahabol pa ni Bea, “Ganon pala 'yun parang may certain, parang glow ka from within na… masaya lang.”

Samantala, matatandaan na naganap ang nakakaantig na proposal ni Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City noong July 18.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BEA ALONZO AT DOMINIC ROQUE SA GALLERY NA ITO: