Celebrity Life

Mikoy Morales gives love advice, opens about his search for 'The One'

By Kristian Eric Javier

Nagbahagi ang Maging Sino Ka Man actor na si Mikoy Morales ng ilang tips at advice sa love life, at gayun din sa paghahanap ng “The One” nang mag-guest ito sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Sa latest episode ng podcast, isang segment doon ay ang pagbigay ni Nelson ng problema ng ilang netizens tungkol sa love at kung ano ang advice na maibibigay ni Mikoy dito.

Para sa unang letter sender na hinahanap ang “the one,” sinabi nitong madalas ay nahihirapan siya sa mga babae, at kung papaano minsan ay lumalabas na intense siya sa mga nakaka-date.

Ang payo naman ni Mikoy ay alamin muna ng netizen ang kaniyang preferences at maging open sa ibang relationship na available. Isang pang payo ni Mikoy ay maaaring kailangan mas makinig ng sender, kaysa maghanap ng wala.

“Maybe you should listen more para kung gusto mong malaman talaga kung compatible sa'yo, then listen more instead of asking more. And then maybe mas marami kang makita pa o ma-discover sa tao na 'yun at sa sarili mo,” sabi nito.

Importanteng skill din ang pakikinig na hindi na nagagawa dahil madalas ay inuuna ang mag-isip ng isasagot kaysa pakikinig.

“Pero kung wala 'yon, I think some people who oversee that na parang o whoever look that would be surprise sa mga makukuha nila sa taong 'yon just by listening,” sabi nito.

SAMANTALA, ALAMIN ANG ALMOST RELATIONSHIP NINA MIKOY AT MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO:


Samantala, isang netizen naman ang nagrereklamo na matapos ang mahabang oras sa trabaho ay kailangan pa niyang alagaan ang mga anak niya at makinig sa mga reklamo ng asawa niya.

Ngunit ang unang reaksyon ni Mikoy ng marinig ang problema, “Ang una ko kasing naramdaman at naisip nu'ng binanggit niya 'yon like 'I want that.' Like, ako I'm looking forward to having that, like to having those kinds of problems.

“Baka perspective din na parang ay may nauwian ka, at least, may uuwian ka. Like, ako pinapangarap ko lang 'yung meron ka ngayon,” dagdag ng aktor.

Pero ang payo ni Mikoy ay dapat makipag-communicate ang sender sa kaniyang asawa o partner kung ano ang gusto niya.

“If you need to feel na mag-isa ka lang ulit, like take a breather, take one for the team and the next time your partner needs that too, e di ikaw 'yung sige ako muna sa mga bata,” sabi nito.

Nabanggit rin ni Mikoy Morales kung papaanong kasama na sa kulturang Pinoy ang pagiging family-oriented na nakakalimutan na minsan ang “me time” at kung gaano ka-importante na alagaan din ang saril.

Pakinggan ang buong interview ni Mikoy dito: