Celebrity Life

Mae Subong, nasira ang tiwala sa dating partner ni Pokwang

By EJ Chua

Naging usap-usapan sa YouTube kamakailan ang bonding moment ni Pokwang at ng kanyang dalagang anak na si Mae Subong.

Sa kanilang vlog, maraming napag-usapan ang mag-ina, gaya na lamang ng mapait na mga naging karanasan ni Pokwang sa kanyang past relationship.

Ibinahagi ni Pokwang na itinago niya noon sa kanyang dalagang anak ang ginagawa ng kanyang dating partner sa kanya.

Kabilang na rito ang pagbubuhos nito sa kanya ng tubig habang siya ay nagdadalang tao.

Nang marinig ni Mae mula sa kanyang ina ang ilang istorya tungkol sa kanyang past at bad experiences, napa-react na ang una.

Sabi ni Mae sa kanyang mommy, “Hindi mo deserve 'yun.”

Kwento pa ng dalagang anak ng Kapuso comedienne at host, "Pinagkatiwalaan ko siya sa nanay ko… kampante ako na may kasama si Mama sa bahay na I can go, I can leave her for a while… tapos ganon 'yung gagawin niya, sobrang below the belt.”

Samantala, isa si Pokwang sa hosts ng GMA's one-of-a-kind countdown variety show TiktoClock.