
Ang Kapuso actress na si Bea Alonzo ang guest ni Luis Manzano sa kanyang latest vlog.
Sa naturang vlog, ilang bagay ang napag-usapan nina Bea at Luis tungkol sa buhay ng una.
Isa na sa mga ito ay ang past relationships ng aktres at ilan sa mga karanasan niya noong siya ay nasawi pag-ibig.
Seryosong ibinahagi ni Bea ang isang weird moment na nangyari sa kanya sa isang public place dahil sa pagiging brokenhearted.
Pahayag niya, “Alam mo… 'yung pinaka-weird na place na nakakahiya… may gym… nagpu-pull ups ako… bigla na lang akong umiyak ng malala. 'Yung walang build up, walang trigger. May mga tao sa gym… akala nila na-injure ako or something…'
Dagdag pa niya, “May gano'n pala, gagamitin ko nga iyon sa acting.. 'Yun ang pinaka-weird na moment…”
Kasunod nito, pinag-usapan nina Bea at Luis ang new love life ng una.
Si Bea ay engaged na sa actor at model na si Dominic Roque.
Samantala, maaaring panoorin ang naging panayam ni Luis kay Bea sa video sa ibaba: