
Hindi napigilan ni Ruru Madrid ang pagka-miss sa girlfriend na si Bianca Umali na nasa Japan ngayon.
Sa isang Instagram post, ipinarating ng Black Rider actor kung gaano niya nami-miss ngayon ang aktres.
"Missing you all the way from here to Japan," sulat ni Ruru para kay Bianca.
Agad namang sumagot si Bianca sa mensaheng ito ng nobyo, "I miss you too. Mahal na mahal kita."
Hindi naman naiwasang kiligin ng ilang netizen sa sweet messages na ito nina Ruru at Bianca sa isa't isa. Maging ang aktor na si Gabby Eigenmann ay napa-"Ay grabeh."
Kasalukuyang nasa Japan si Bianca para sa upcoming film na Mananambal, na kabilang sa mga pelikulang Filipino na ipinalabas sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan.
Kasama rin sa Japan ni Bianca ang Sang'gre co-star na si Kelvin Miranda na dumalo para sa pelikula nitong Chances Are, You and I, at maging sina Sanya Lopez at Kiray Celis.
TINGNAN ANG PAGDALO NG ILANG KAPUSO CELEBRITIES SA JINSEO ARIGATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL SA JAPAN DITO: