
Isa sa madalas na issue ng long-distance relationships ay ang pagtitiwala. Ngunit ayon sa True Faith vocalist na si Medwin Marfil at asawa niyang si Mark Angeles, wala naman silang naging major trust issues sa isa't isa.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Mark na dahil mas matured na sila ni Medwin, malaki na ang tiwala nila sa isa't isa.
Ngunit pag-amin niya, “Although minsan, parang iniisip ko, 'O, hindi pa tumatawag, ah? Nasaan kaya 'yun? May gig, baka merong kalandian na 'yun dun?'”
Paglilinaw ni Mark, hindi naman parang teenager na nagtatampuhan o nag-aaway sila. Ngunit pag-amin niya, minsan na rin pinagelosan ni Medwin ang kaniyang ex.
Kuwento ni Mark, dahil malapit lang siya noon sa airport, humingi ng favor ang ex niya para magpahatid.
“Ang proposal is mag-i-spend the night na lang siya sa akin para paggising sa umaga, mabilis kesa susunduin ko pa siya, and then babalik,” sabi ni Mark.
BALIKAN ANG MGA SUCCESSFUL LGBTQIA+ COUPLES SA GALLERY NA ITO:
Ani Mark, tampong-tampo at selos na selos si Medwin na tinanong pa siya kung saan matutulog ang ex ni Mark.
Paliwanag ni Medwin, “Bagong-bago pa lang kasi kami nu'n so parang hindi ko pa siya ganu'n talaga kakilala. Sabi ko lang, 'Parang sobrang close ka naman sa ex mo, tapos talagang gagawa ka ng paraan para ihatid siya.' and all that.”
Ngayon, kaibigan na rin ni Medwin ang ex na iyon ni Mark, na naimbitahan pa nila sa kanilang kasal. Ngunit dahil hindi pa niya ito nakikilala noong mga panahon na iyon, tingin niya, “parang hindi yata tama.”
“That happened mga first months namin, first two months namin nangyari 'yun, and ever since we haven't had any issue at all,” sabi ni Medwin.
Dagdag pa ni Mark, “We made an agreement na moving forward, 'pag may issue, let's talk about it right away rather than kikimkimin pa.”
Nang tanungin naman sila kung sino ang pinakaseloso sa kanilang dalawa, ang sagot ni Medwin, “So far, at a certain level, 'pag kinonsider 'yung pinakita ko in the past, mas selso siguro ako.”
Pakinggan ang part two ng interview ni Medwin dito: