Sa likod ng glamorosang pagrampa ng mga beauty queens sa entablado upang ilaban ang titulo sa maraming beauty pageants mapa-globe, world, at universe ay may mga lalaking laging sumusuporta sa kanila.
Sila ang mga nagsisilbing hari na tumutulong sa ating mga beauty queens upang maabot ang kanilang inaasam na korona.
Kilalanin ang mga lalaking in a relationship sa newly crowned Filipina beauty queens sa gallery na ito:
Bukod sa pagiging model at football athlete, pride rin para sa 24-year-old Filipino-British na si Mathew Custodio ang maging boyfriend ng isang beauty queen.
Si Mathew Custodio ang loving boyfriend ng newly crowned Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi.
Ang dating miyembro ng Eat Bulaga's "Los Viajeros" na si Eduardo Lara ay isa rin sa mga lalaking may partner na beauty queen.
Panalo man sa career bilang lawyer sa Brazil, pinili pa rin ni Eduardo Lara ang makasama sa beauty queen journey ng kanyang girlfriend na si Binibining Pilipinas Intercontinental 2015 Christy Lynn McGarry.
Ang businessman at Pinoy basketball player naman na si Aldo Panlilio ay isa rin sa mga naka-puntos sa puso ng isang beauty queen.
Si Aldo ay ang boyfriend ng volleyball athlete turned beauty queen na si Michele Gumabao.
Isa rin ang professional wakeboarder na si Anton Go na may girlfriend na beauty queen.
Nasa mahigit dalawang taon na ang relasyon nina Anton Go at Miss Universe Philippines 2020 1st runnerup na si Ysabella Ysmael.
Pinay beauty queen din ang bumighani sa puso ng fitness enthusiast na si James Vilela Dizon.
Si 2019 Reina Hispanoamericana 5th runnerup na si Katrina Llegado ang longtime girlfriend ni James Dizon.
Ang kapuso actor naman na si Jeric Gonzales ang boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
March 17 ngayong taon nang isinapubliko nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang kanilang relationship status.
Naging beauty queen ang girlfriend ng kilalang content creator at fashion vlogger na si David Guison.
Bago pa man sumabak sa Miss Universe 2023 at maiuwi ang 2nd runner-up, magkasintahan na sina David at Angelique Manto.