Sweetest photos of Heaven Peralejo and Marco Gallo

Inihahalintulad ni Heaven Peralejo ang relasyon nila ni Marco Gallo sa invisible string theory.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, February 27, ipinaliwanag ng dalagang aktres ang invisible string theory, na isang ideya o paniniwalang konektado ang dalawang tao ng isang unseen bond nang hindi alintana ang layo o oras.
Matatandaan na nagkasama noon sina Heaven at Marco sa loob ng Pinoy Big Brother house. Pero bago pala ito ay nagkakilala na ang dalawang celebrities noong bata pa sila.
Pagbabalik-tanaw ni Heaven, “Ang nagustuhan ko sa loob ng bahay was actually meeting Marco [Gallo]. I mean, naniniwala ako sa invisible string theory. Imagine, nagkita kami when we were kids, did not work out, I liked him, he liked me during that time pero bata pa masyado,” sabi niya.
Aniya, matapos ang pitong taon ay nagkita silang muli at ngayon ay mas successful na ang kanilang relationship.
Sa gallery na ito, makikita ang ilan sa sweetest moments nina Heaven at Marco:







