Celebrity Life

Joyce Ching, bakit hindi nagta-travel kasama ang fiancé?

By Bianca Geli

Kahit engaged to be married na ang Dragon Lady actress na si Joyce Ching, hindi raw ito nag-ta-travel kasama ang husband-to-be na si Kevin Alimon.

Joyce Ching

Sa naganap na GMA Network contract signing ni Joyce ay ikinuwento niya ang dahilan.

“Hindi kami nagta-travel together, sini-save namin for after marriage.”

Pinaghahandaan na rin daw ni Joyce ang buhay may asawa.

“I'm preparing. I think wala namang tao na makakapagsabi na 'ready na ako for this' until mag-jump ka na sa situation na 'yun but I think I'm prepared to go into that situation.”

Very supportive naman daw lagi sa lahat ng kanyang showbiz projects si Kevin. Ani ni Joyce, “Yes po even nung boyfriend-girlfriend pa lang clear na ito 'yung work ko ito yung mga possible na ipagawa sa 'kin na ipasuot sa 'kin so nagawa na namin 'yung discussion na 'yun.”

Pinagpaplanuhan pa rin daw nila ng kaniyang fiancé ang wedding date and other details.

“Hindi pa po namin alam pinagpapalanuhan pa lang po. For now mga details muna sa wedding and Dragon Lady, of course.”

IN PHOTOS: Engaged celebrities under 30

WATCH: Joyce Ching, ikinuwento kung paano nag-propose si Kevin Alimon